EDD: July 15, 2021
DOD: June 30, 2021
Normal Delivery
Share ko lang po ung experience ko as first time mom.
June 28
Nagpa IE ako 2cm na siya. Wala akong pain kaya push lang sa everyday gawain, nagwowork pa din ako since WFH naman sayang kasi ML kung kaya pa naman. Nag wawalking lang kami every hapon pag out sa work.
June 29
No sign of labor pa din, kaya pumasok pa din ako sa work. Nasakit minsan puson ko pero di siya ganon kasakit nawawala din agad. After work walking ulet, nag foodtrip pa kami pagkatapos.
June 30
Nagising ako ng madaling araw 3AM, akala ko naiihi lang ako pagtayo ko may tumulong dugo na. Ginising ko na asawa ko tas dumiretso na kami sa clinic. Nagpaalam na ako sa manager ko na di ako makakapasok. Work is life e hahaha. IE ulet 4cm na pero mataas pa kaya pinauwi muna kami then balik daw ng 9am. Pag uwi namin naramdaman ko na ung labor pain, sunod sunod na ung sakit nia. Naglakad lakad pa din kami tas naligo. Before mag 8am intense na ung pain so nagsabi ako punta na ulet kami.
Pagdating namin sa clinic diretso delivery room na. IE ulet 6cm na ako. Sobrang sakit na ng tyan ko nung mga time na un. Gustong gusto ko na malabas si baby. 9:51am nanganak na ako.
Nakakatuwa lang kasi di ako masyado pinahirapan ni baby pero niready ko na sarili ko sa mahabang labor at sakit. Nagulat din sila kasi werk werk pa din ako tas bigla nalang ako nanganak. 😂
Thank you din sa app na to and sa mga nagsshare nakatulong siya para di ako mag overthink at mahanda sarili ko as first time mom. Have a safe delivery po sa mga manganganak pa.
#firstbaby #1stimemom