36 weeks & 1 day partial breech

EDD - January 25, 2020 DOB - December 29, 2019 Share lang po..? ? Thank you Lord! Super thankful ako kay Lord at sa O.B nagpaanak saken, nailabas ko si LO ko na safe and healthy. Sa ambulance palang pumutok na panubigan ko, hindi ko na din mapigilan na hindi umire kahit alam ko na suhi siya. Pagdating sa hospital yung huling ire ko lumabas na yung paa niya kaya naghinay hinay ako sa pag ire dahil inisip ko baka ano mangyari sa Lo ko at di pa siya full term. Deretso kaagad ako sa delivery room nung makita nila nakalabas na paa, todo sermon sila, pero ako nung time na yun nagdadasal nalang talaga ako na safe pa rin siya lumabas. At yan nga siya, my baby girl is safe and healthy??? Meet my Baby Rafaela Lexie???

36 weeks & 1 day partial breech
82 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Wow pede pala tlga iire kahit suhi. Depende tlga sa nag papa anak. Congrts mami

5y ago

Hindi pwede po iire ang suhi, marami possible na mangyari, CS po talaga dapat ako, nangyari lang.. nakaramdam na ako ng labor same day nung nilabas ko siya dala na rin ng pagod nung christmas😊😊 buti nalang magagaling mga OB.