36 weeks & 1 day partial breech

EDD - January 25, 2020 DOB - December 29, 2019 Share lang po..? ? Thank you Lord! Super thankful ako kay Lord at sa O.B nagpaanak saken, nailabas ko si LO ko na safe and healthy. Sa ambulance palang pumutok na panubigan ko, hindi ko na din mapigilan na hindi umire kahit alam ko na suhi siya. Pagdating sa hospital yung huling ire ko lumabas na yung paa niya kaya naghinay hinay ako sa pag ire dahil inisip ko baka ano mangyari sa Lo ko at di pa siya full term. Deretso kaagad ako sa delivery room nung makita nila nakalabas na paa, todo sermon sila, pero ako nung time na yun nagdadasal nalang talaga ako na safe pa rin siya lumabas. At yan nga siya, my baby girl is safe and healthy??? Meet my Baby Rafaela Lexie???

36 weeks & 1 day partial breech
82 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Congrats mommy! ☺ Kakatuwa kasi same case ng mama ko, suhi din nya napanganak kapatid ko (pangatlo) lumabas na din yung paa bago pa dumating dr 😂 which is dapat cs talaga kasi mahihirapan daw sa oxygen ang baby kapag suhi e (muntik na din kasi ako ma-cs), pero ikaw sa ambu palang excited na lumabas si bby. Naku kakagigil ganyan kaliit sarap titigan lalo kapag tulog pero baka kapag nakakagulong na sya sarap na din ibalik sa tiyan parang anak ko 🤣

Magbasa pa
5y ago

Totoo sis, worth it lahat ng hirap. 😊