Edd : Jan 1, 2020
Dob : Dec 26, 2019
Tob : 5:51pm
2.9 kg, 48cm
Via C Section due to Oligohydramnios
Close monitored by my OB since Dec 21 dahil mabilis daw maubos amniotic fluid. Nakailang balik sa OB and then on Dec 26 nagdecide na si OB na iadmit ako ng 5pm. From 9 na fluid nung dec 23, naging 6 na lang kahapon. Lumabas si baby 5:51pm with Thickly meconeum stained. Buti na lang din naCS na ako agad dahil napoop na pala sya sa loob ng tummy ko. Pagkasaksak ng anesthesia sakin ewan ko nahilo na ko bigla kaya pumikit ako. Nakatulog ata ako tas narinig ko na lang umiiyak na siya. Sabi pa nila ang tagal daw bago umiyak ni baby ako walang kaalam alam. Sobrang hilo talaga ko sa anesthesia na un. Tas pinaskin to skin na nila sakin si baby pinilit ko makita sya kahit nahihilo ko. Sobrang bilis lang ng opera gulat na lang ako tapos na pala tas dinala na ko sa recovery room. Sad to say may findings pa sakin endometriosis daw lakas ko magbleed tas buo buo ?? si baby naman ayun nasa nicu nakaoxygen pinapaexpand daw ung lungs tas nakaheplock pa para sa pagkakapoop nya sa tummy ko kasi may konti daw nakuhang poop sa bibig nya. Pero eto kasama ko na si baby sa room. Sabay na din kame makakauwi. Iniinjectionan na lang kami dalawa ng antibacteria.
Thank God at okay kami ni baby. Tiisin na lang ni mommy ung sakit. ❤️