Finally the long wait is over!!
EDD-Aug 11,2020 DOB-Aug 9,2020 3.2 kls via NSD my little 🌻 Jaiyana Denise Badua 39 weeks 4 days#theasianparentph #1stimemom gud day guys, share ko lang din experience ko as FTM. Aug. 8,2020 ng gabi shower pa ako by gabi because that's my evening routine dahil da maalinsangan ang panahon.after nun chineck ko undies ko kung may blood stain, pero walan naman. after nun mga 10pm na ata yun matutulog na kami umihi ako then may nakita akong dugo da tisssue pinang punas ko sa pempem ko. sinabi ko kay hubby agad and sabi nya tawagan ko na daw OB ko. after nun pmnta na kami sa private lying in nya at pagka IE sakin ng asst. nya 5-6 cm na pala ako. ayon admit na ako, mga 7am start na ako nag labor, sobra palang sakit as in. hindi mo alam kung ano yung masakit sayo, yung balakang mo ba or pempem mo. halos parang hahatiin na yung katawan mo sa sakit. then sobrang di ko na kaya sabi ko asst. ng OB ko isalang na ako sa DR. pagka IE skin nasa 7cm palang daw and sobrang sakit na talaga. yung interval ng pain nasa 3mins nalang. just to be short my story pinasok na ako sa DR ng 9am at pinutok na panubigan ko sobrang sakit. at ito pa hindi ako magaling umire kaya sobrang natagalan talaga kami. nag so sorry na nga ako sa mga asst ni doctora na nag pupush skin and kay doctora mismo pati sa pedia na nag hihintay para kay baby. nag pray ako ng pray kay lord talaga na wag kami pabayaan ni baby. at sa last push ko yung 100% percent na lakas ko tinodo ko na talaga at ayun na nga lumabas na baby ko. thanks god talaga! umiyak nalang ako kasi after all the pain ito naman yung kapalit overjoyed! kaya sa mga tulad kung FTM kaya natin! good luck and godbless !