Born at 37 Weeks and 5 Days
EDD: April 9, 2021 DOB: March 24, 2021 To my 2nd born Child, di ko inakala na ganon ka bongga ang Labor ko. Haha. Just sharing my experience. March 22 ng gabi, nakaramdam ako ng sunod sunod na contractions. But bearable naman, pumunta kame ng partner ko sa RHU. Para magpa check up. And sabi ng midwife don, 3cm plng naman. So okay, matgal pa daw. And 10:30pm, masakit nanaman ang contractions. Bumalik kame rhu. Pero sabi no progress kahit nag lakad lakad na ko. March 23, nagpa sched ako ng check up sa OB ko just to make sure. And pag IE sakin 4-5cm na ako. Yung check up ko, nauwi sa for admission. Nag asikaso na kame ng Swab and Lab test. Pero mabagal progress ng pagbuka ng cervix ko. All day ng March 23, yung pain na nararamdaman ko is bearable pa din. At March 24 in the morning pag IE sakin, nag progress na sya sa 7cm. So pinaligo na ko and pina almusal. 9am na, nagsimula na yung active labor ko. Pero hindi sya ganon ka sakit unlike sa ibang nakikita ko na nag li labor na as in lumuhod talga. At 12pm sabiko kay ob ko, ready na ako umire. Pag ie nya sakin, success. 10cm na. And then, 12:18 after ilang push. Baby is out!!! Thankyouuu lord. Mga mamsh effective talaga ang nilagang luya na inumin at pineapple juice para di gaano masakit pag labor. Try nyo ❤️ Meet my Baby Mikko Abrielle Perez 😍