My Little Angel?
Edd: April 19 Dob: April 11 Normal Delivery Name: Zephaniah Amber Nung buntis pa ko inggit na inggit ako sa mga mommy na nakaraos na. Na sana ako din makaraos na pero nandun yung takot, kaba, excitement, at syempre tuwa. Ngayon, ako naman ang mag shashare sainyo. ?? April 9 nananaginip ako na nanganak na ko pati yung asawa ko ganun din nag open din sya sakin. Hehe! Tapos nalaman ko na malapit na ko nung may nalabas na white mens sa underwear ko then the rest no pain na. April 10 ng madaling araw nakaramdam ako ng parang nireregla yung sakit ng puson ko pero hinayaan ko lang mase sabi ko baka ganun talaga. Tas naka tulog na ko ulit pero nung pagkagising ko bandang 8am tas dumiretso ako sa cr gawa ng naiihi ako tas pag tingin ko sa underwear ko may nakita akong pula. Tinanong ko kaagad si mama kung ano yun then sabi ji mama sige mag ayos kana ng bag natin tapos pinaligo nya na ko. Nakaramdam ulit ako ng parang may tumutulo tas hinawakan. MEGGGED! IT'S A BLOOD! Nandilim yung paningin ko syempre takot sa dugo ang lola nyo. HAHAHAHA! Naka tatlong balik kami sa ospital. Unang punta namin 1cm ako tas pangalawa naging 2cm then sabi nung OB ko di daw ako maaadmit hanggat hindi ako nakaka 4cm. Pangatlong balik namin sa ospital 10pm saktong 4cm na ko dami kong ginawa bago ko naka 4cm ang sakit nya sobra kahit 4cm palang ang baba lang kase ng pain tolerance ko pero gora paren ang lola nyo. HAHAHA! Sobrang tagal tumaas ng cm ko na halos pati yung OB ko nakatulog na. HAHAHAHA! Di ako mapakali ganun pala yung feeling ng naglalabor. Parang mapuputol yung bewang mo, balakang mo na para kang inu unti unting kinukunan ng hininga tapos yung puson mo para kang nagpatattoo ng 24hrs na walang tigil. Yung OB ko naman I.E ng I. E sakin nakaka 6-7cm na daw ako. Nag mamakaawa na talaga ko na i-cs na nila ko kase di na talaga ko mapakali buti nalang dumating yung isang OB na dapat mag aassist lang sya dun. Hinawakan ko yung kamay nya tas umiiyak. Sabi ko tulungan nyo po ko nagmamakaawa ako di ko na po talaga kaya kase sobrang baba lang ng pain tolerance ko. Ginawa nya in-IE nya ko akala ko kung anong gagawin nya yun pala pinutok yung panubigan ko. Tapos tinuruan nya ko ng proper breathing tapos dinala na sa delivery room. Wala pang 20mins nailabas ko na si baby ng 7:07am ng April 11. Hehe! Tatagan lang po natin yung loob natin para makaraos tayo at dasal. Hehe!
Mommy of little angel❤