38weeks and 6days
Due ko June 8 mga mie still 1cm 🥴 panay panay lang paninigas, sino same ko dito ?
same Po June 8 din nakalagay sa ultrasound na lalabas si baby 😇 ang hirap humanap Ng pwesto Kung pano TuTulog HAHA 😆 panay tigas lang sya pero tinatry ko parin mag work out Ng light lang, lakad lakad tas Do ki hubby, Di ko alam Kung open na Yung cervix ko HAHA
Edd ko june 12 naman. Namamaga lang yung puson ko at laging tumitigas. Yung feeling parang mag kakaruon. Hindi ko pa alam kung open na cervix ko. Haaayyy naiinip nako dahil hirap nako maka tulog at maka kuha ng pwesto.
true mie ang bilis na makangawit nag side matulog nangingimay ung balakang ko
same din po, nararamdaman nyo din poba yung pag naiihi sa madaling araw sobrang sakit ng pempem pero pag nakaihi na nawawala din naman yung sakit ? ano po kaya ibigsabihin non ????
Ako Po pag naihi puson at pempem medyo masakit tas minsan Naman para Kong natatae na Ewan pero sa loob ko sya nararamdaman 😂
June 9 po due date based on ultrasound. Same po, 1cm then medyo masakit na puson at hirap den sa pagtulog. Lakad lakad lang
same po tayo ng due
same mga mamsh. 37 weeks here. pero wala ako narramdam. simpleng buntis lang tas laging gutom. hehehe
congratulations po. sana manganak na din po ako may spotting ako ngayon konti lang. 38 weeks. tas konting sakit ng puson madalang lang. tas wala na.
same din po 38 weeks and 3 days 1cm palang Panay Panay Ang pagsaket ng likod at balakang
same mi . tas laging gutom huhu hirap pa nmn mag pigil sana mkaraos na😔
Same mommy 39 weeks 3days naman ako closed cervix pa din
Hi po, june 9 due date, pero May 27 lumabas na po si baby 😁😁
june 9 po ako mie, ganyan po talaga bsta malapit na due ng lo mo.
same due date po, pero close cervix pa po ako 😔
First Time Mom ❤️