1 hour labor

Due: July 21, 2020 Date of birth: July 23, 2020 2.5 kgs NSD share ko lang birth story ko momshies, July 22 admit nako sa lying in ng 1pm then 3 to 4cm palang no pain at all then mga 5pm na 5cm pa rin no pain hanggang mag 4am na 5cm to 6cm plng. Tulog mga nurse at midwife so umihi lang ako paglabas ko ng cr gising na sila waiting sakin haha, mabagal daw progress kaya prick na nila panubigan ko then lagay ng pampahilab sa swero at 4.30 am active na labor ko pag ei sakin 7cm to 8cm nako palaka version na hahaha - nakataas ang isang paa ko para bumuka si femfem at maibsan ang sakit na nararamdaman effective naman diko na maibaba dahil natatae nako talaga @ 5:32am july 23 4 na ire kasabay ng hilab baby is out na ang sarrrrraaaaaaappo ung tipong taeng taeng tae ka na di mo mapigilan take note nakatingala pala si baby na dapat ay nakadapa sya and 2 nuchal chord pa sya kaya stock ng 5cm ako ng mahabang oras Thank god at nairaos ko na ang sarili ko at si baby. Sa mga momshies dyan na manganganak na, kapit lang ng mahigpit hinga sa bibig kapag nasakit para may energy pero talagang nakakapagod ha! Hehe goodluck po sa inyo!

1 hour labor
68 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Congrats po😊 Ask ko lang pano po kayo naadmit kung wala kayong pain na nararamdaman?

4y ago

Due to nakakalitong LMP's hehe, july 24, july 29, july 21, july 31, and august 01. 5 times ultz po kc ako last mens ko is august 31, 2019 may pcos kasi ako kaya ireg tlga, july 21 bukas na cervix ko 3cm ngalay lng pkirmdam ko, Confused na tlga mga nurses and midwife skin nagbase sla sa 1st ultz july 21 kaya d nko pinauwi and besides open nman and super soft na din ng cervix ko. Induce nko non pra lumabas na c baby paglabas nya saktong nagpopo na muntik na sa loob stress n din c baby due to two times cord coil hehe