Just wanna share my story...
Disclaimer: No judgemental po and long post ahead... Simula nang naloko ako sa relasyon, hindi na ko naniniwala sa relasyon at commitment. Pero masasabi ko pa rin isa akong hopeless romantic. Hoping na dumating ang isang lalaki na para sa akin. Nasanay akong mag-isa yung tipong na, kaya ko na ako lang. Malapit naman ako sa pamilya ko. Pero nasanay lang talaga ako na mag-isa. Siguro dahil naloko ako sa unang relasyon ko kaya tinatagan ko na. Natakot na rin ako sa commitment. dahil sa no-commitment may mga naka-fling ako. Hindi naman sabay sabay sila everytime na may tao ako nakikilala minsan yun lang habol nila sex lang. Everytime naman may makafling ako, iniisip ko sana sya na yung tao para sakin ganun talaga pero no expectations. Dahil dun nasanay na akong hindi mag-invest na emotions. Nagkaron ako ng fubu/friends with benefits, year 2019 October, saulado ko pa.. Nag-umpisa sa unang kita, game agad, hanggan pangalawa hanggan may mga sumunod pa. Sa akin nung una okay lang, di ako nagtanong about sa background nya. About lang sa work nya ang tinanong ko. Isa daw syang VIP security di ko alam if politiko ba o hindi. Di na sinabi confidential daw. Hindi ako nagtanong about sa family kasi naisip ko nun ayaw ko nang malalalim na pagkakilala sa kanya, dahil ayaw ko mahulog nang tuluyan sa kanya. Weakness ko kasi ang family, feeling ko pag nakilala ko na ang tao pati family nya malalim na ang pinagsasamahan namin. Ngunit nagkamali ako, kahit na ganun lang ang setup namin, nagka gusto pa rin ako sa kanya. Minsan sinabi ko sa kanya, tigilan na natin to, ayaw ko na ng ganitong setup. Ang sagot naman nya ay bakit meron ka na bang iba. Ang totoo ay wala naman, wala akong iba. Dahil marupok ako tinuloy lang namin, nagtanong ako sa kanya noon kung ano ba talaga kame sabi nya friends daw kame friends with benefits. Noon okay lang dahil dala pa rin ng takot na baka maloko ulit ako. Dumating ang year 2020, nagkita kame hanggan February bago mag-pandemic ganun pa rin, as fwb lang talaga. Pero iba ang feeling pag magkasama kame, jibe kame, totoo lang ako sa kanya. Kaya siguro kahit ganun ang set up namin nahulog ako sa kanya. Hanggan dumating ang pandemic hindi pwede lumabas at dahil strict din talaga sa kanila naka locked-in sya sa work. Bawal daw silang lumabas. Dumating ang December, mejo ease na ang community quarantine sa bansa natin. Locked-in pa rin sila pero pwede nang lumabas pag kelangan. Dahil mejo pasaway, bumisita sya sa akin, syempre alam nyu na di mawawala yun, may nangyare sa amin. Nung mga time na yun di ako naka pills, dati kasi nagpipills ako. Dumating ang January 2021, hindi na ko mapalagay dahil hindi pa ako nagkakaroon. Kaya nagPT at nag pacheck up ako. Positive. Buntis ako. Halo halo naisip ko nun di ko alam if pano ko sasabihin sa kanya. Bumisita sya ng January, wala pa syang alam na buntis ako. Expected nya na nagkaron ako nun at nagpipills ako ulit. Wala pa talaga syang alam na buntis ako dahil ayaw kong sabihin sa chat o message, natatakot ako na baka hindi na sya magparamdam. At nang bumisita sya, syempre ayun nagchurva. Pagkatapos nun sinabi ko sa kanya, alam ko nagulat ko, umiiyak ako nun sa knya kasi hindi ko masabi, kaya binigay ko lang ang papel ng ultrasound. Buntis ako, 9weeks na. Sabi nya mag-usap pa rin kame, pero sinisisi nya ko na sabi ko daw safe ako, akala ko talaga safe ako nun khit di ako nakapills kasi kakatapos lang ng period ko. Pero andito na to, mas lalo akong naiyak na malaman may anak na pala sya. May pamilya na sya. 😭😢 Hindi ko alam yun, wala akong idea na may pamilya na sya. Aamin ko nagkakausap lang kame pag pupunta sya, hindi ganun kalalim ang usapan namin pag may kachat kame. Hindi ko na alam, kasalanan ko ba na hindi ko sya kinilala ng lubusan. Ngaun, hindi na sya nagpaparamdam. Sinabi ko sa kanya hindi ako maghahabol sa kanya pero para sa bata lang. Gusto ko mabigyan ang apelyido ang anak ko. Sinabi ko sa kanya, bigyan nya ng apelyido kasi anak nya rin to at pumayag naman sya. Masama ba yun? , ngayon ay ma 4 months pregnant ako ngaun. Hindi naman ako masamang tao, di ko gusto makasira ng pamilya dahil alam ko ang pakiramdam ng broken family. Kaya iniisip ko hindi na humingi ng sustento pag ka panganak ko at hinding hindi na nya makikita anak nya. Ang alam ng mama ko, wala na ang tatay ng anak ko, yun ang sinabi ko. Ang hirap, kasi kahit sa ibang friends ko di ko rin masabi ang totoo . Ngayon pinipilit ko maging strong para kay baby. #pregnancy #advicepls