Am I too sensitive?
Di talaga dito samin umuuwi yung asawa ko kasi ang work nya is sa province. Bale ako, umuwi ako sa parents ko kasi stressed ako dun kasama ung in laws ko kasi 1st trim pa lang, masyado na kong pinapakialaman sa pagbubuntis ko. Come around 24 weeks ng pregnancy ko, nirequestan na ko ng OB ko ng CAS. But before that, halos every month po from 4th month ko, nagpapa ultrasound ako kasi nagkaroon ako ng infection sa vaginal area. Nirerequestan ako ng utz to see if kamusta si baby, kung naaapektuhan ba nung infection or healthy naman. Nung 24 weeks ako, umuwi dito husband ko, the same time, may request ako ng CAS. Tumawag naman husband ko sa bahay nila to inform na nandito na sya samin then nakwento nya na magpapaCAS na rin ako. Narinig ko sabi ng nanay nya "Puro gastos asawa mo sa ultrasound, ako ngang nanganak sa inyong anim, di nagpa utz dati. Isang beses dalawang beses okay na yun, bat yan buwan buwan?" Keber na lang ako mga mi. Kahit lagi ko sila inuupdate sa nangyayari samin ng anak ko, bakit parang hindi nila naiintindihan na may infection ako at chinecheck kung mahahawa ba si baby o hindi. May oras pa na pag nanghihingi ako sa asawa ko ng pera para sa gamit ng bata, para sa check up, or para sa nattripan ko kainin, naririnig ko sa background na sasabihin na naman ng nanay nya "ang aga aga pa para mamili ng gamit, puro kayo gastos" Syempre mga mami, mas mahihirapan kami kapag isahang bili lang gagawin namin ng asawa ko. Tsaka naguusap naman kami mag asawa kung bibili na ba ng ganito o ganyan. May oras pa na ka-video call ko asawa ko, showing him ung Haakaa na breast pump at electric pump. Tapos narinig ko na naman sa background, "papadedein nyo ung bata, mas tataba nga yan kung nido ipapadede nyo". Mga mamiii, nakaka frustrate!!! πππ Mas prefer ko ebf si baby ko kesa formula milk. Sumasama lang loob ko mga mami dun sa nanay ng asawa ko. Porket ba unang baby ko to kaya sya ganyan sakin? Dahil ba bunso nila ung asawa ko kaya sya ganyan sakin? Kasabay ko naman magbuntis ung isang ate ng asawa ko pero never ko narinigan ng ganyan ung nanay nya nung nandun pa ko sa kanila. Buti na lang at kinocomfort ako ng asawa ko everytime na may nasasabi nanay nya, and he helps me na hindi mag isip ng kung anu ano. Now I'm thinking na dito na lang muna kami sa parents ko until magkaroon kami ng bahay in between sa lugar namin at sa lugar nila. Kasi kahit may sarili kaming bahay dun sa kanila, feeling ko pakikialaman nila pati pagpapalaki ko sa bata.