Privacy Policy Community Guidelines Sitemap HTML
I-download ang aming free app
Di ko na kasi alam bakit ganito☹️ parang lahat ng responsibilidad nasa akin.. Samantalang yung asawa ko paeasy easy lang.. Kahit ayaw ko magresign sa trabaho.. Nagresign ako dahil walang mag aalaga kay baby.. Ngayon full time mom ako at wala kaming katulong.. Ako lahat kumikilos para kay baby.. Samantalang yung asawa ko minsan lang niya alagaan si baby.. The day after pa ng off niya dahil palagi siyang pang night shift.. Minsan napipikon ako pag dumadalaw kami dati sa inlaws ko (kasi nagstay kami sa family ko after kong manganak) and now sa family ko (since lumipat na kami sa bahay ng inlaws ko).. Kasi lahat ng gamit ni baby ako mag aayos tapos yung gamit at damit ko aayusin ko din.. Siya ang iintindihin lang niya.. Yung gamit niya.. Eh sobrang daming gamit ni baby.. Para akong magcacamping tuwing magoovernight kami..ano ba naman yung maisip niya na siya naman mag ayos ng gamit ni baby minsan.. Dati nga ginagawa lang niya para kay baby labhan at plantsahin yung damit ni baby.. Pero minsan inaasa pa niya sa biyenan ko.. Minsan babantayan niya si baby pero madalas.. Inaabot niya sa mga inlaws ko para makapagcellphone lang siya😒 Ako lahat nag aasikaso kay baby.. Mula pagligo..pagbihis.. Dati pati mag isip ng ipapakain at iluluto para kay baby (pero ngayon madalas yung biyenan ko nagluluto kaya kung ano niluluto niya.. Yun na pinapakain ko kay baby).. Pagpapakain kay baby.. Pagbantay kay baby.. Pagpapatulog at pagpapadede dahil breastfeeding kami... Minsan yung asawa ko nagpapaligo pero madalas ako.. Gagawin pa niya.. Siya magpapaligo tapos ako uutusan magbibihis kay baby.. Minsan pa nga pag naaalimpungatan si baby sa gabi.. Imbes na siya na magpatulog ulit.. Iaasa pa rin sa akin☹️ Di ko na alam bakit ganun.. Nung mag bf/gf kami.. Maalaga tong asawa ko.. Pero nitong nag kaanak na kami..parang as much as possible na iwasan niya pag alaga kay baby.. gagawin niya.. ..kung hindi pa ko magsasabi.. Hindi pa niya gagawin😒lahat sasabihin ko pa🤦🏻♀️ sobrang nadidisappoint lang ako.. Kasi hindi ko naman alam na magiging ganito ang sitwasyon ko☹️ sobrang hirap pala maging nanay at mag alaga ng baby.. Kaka10 months na ni baby.. Pero hirap na hirap ako sa pag alaga sa kanya.. Akala ko madali lang.. Hindi pala😭
Mommy let him know na dapat gawin niya ung part niya sa pag aalaga. Kapag ipapasa niya ung dapat gagawin niya sayo, make it clear na siya dapat ang gumawa nun. As long as sinasalo mo ung dapat ginagawa niya, di yan magbabago.