stress

Di ko na alam gagawin. Nag start to nung na CS ako, assessment skin normal delivery pero dahil ayaw bumukas ng cervix ko na CS ako, pumalo ng 100k+ bill ko. Sobrang kulang ng sss,philhealth at ipon namin ni LIP. lahat naibenta na namin lahat nahiraman na namin. Sobrang nakakaiyak dapat uuwi na kami pero na extend kami dahil sa bills. Hanggang nabaon kami sa utang, lumipat kami ng apartment kasi bawal bata sa inuupahan namin kaya need pa mag down at advance :( . Hanggang makalabas kami ng hospital pero my utang pa kaming 36k sa pf. Ngayon 1 month na simula nung nanganak ako pero daming prob. Ni pagkain hirap kami, kaya siguro wala rin akong halos gatas kaya nag mix feed kami. Sweldo ni LIP sapat lang sa gatas,upa at limitadong pagkain. Ngayon di ako makabayad ng kuryente todo singil na landlady namin.lahat nilapitan ko na pero my mga utang pa ko sa kanila. Grabe na pag iyak ko. Naaawa ako kay lo ni hindi ko mabilhan ng ng damit ni hindi ko makain ang dapat para my madede sya. Ni pump di ako makabili. Binaba ko na pride ko pero puro negative lang sinasabi nila. Hindi ito ang pinangarap ko. Gusto ko na bumalik ng work pero hindi pwede lalo na at cs ako. Pati pagbalik ng ob ko d ko magawa dahil sa utang ko. Sobrang hirap pala talaga ng pera lalo na kapag walang malapitan. Di ko na alam gagawin. Sorry mahaba wala lang talaga akong masabihan. Salamat ng marami Ps. Pakapalan na to ng mukha ?? Salamat sa mga tulong. Pwede nyo po ako imessage sa fb.com/realxane31 Eto po number ko 09083904978. Sa mama ko po yan pakilala na lang po kayo. Maraming salamat mga momsh ??

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Try nyo po tumira sa mga magulang nyo po muna. Pansamantala gang makabawi po kayo. Pede nyo naman po utay utayin yun sa utang sa hospital. Sa pag kain po switch po sa mura at masustansya. Pwede ang sardinas na may malunggay para sa gatas nyo po. Konting tipid lang po muna at makakaraos din kayo. Lagi pong magdasal. Unawain nyo po ang mga inuutangan nyo at baka sila ay wala ring extra.

Magbasa pa
5y ago

Yung sa bahay ng parents di na kasya. Andun rin mga kapatid ko at siksikan sila. And sa food yes sinisikap ko laguan ng malunggay halos lahat. Sa utang po inuuna ko muna yung utang namin sa labas o mga kakilala namin. Kinakapalan ko na lang magtext sa secretary ng ob ko para humingi ng pasensya. Maraming salamat momsh :)

VIP Member

Ako nga po tyinaga ko ang check up sa public hospital kase ayokong mamroblema kami sa pera pagkatapos. Talagang sinikap namin ng partner ko ang pagpila at pag gising ng maaga. Basta alalahanin nyo lang po na God will provide kahit ano mangyari. 🙌🏼👆🏻❤️

5y ago

Thanks po. Dun talaga ako nagkulang, d ako nagtanong tanong ng mga options. Natuwa lang ako kasi libre check up dun tapos walang prob sa pagbubuntis ko kaya confident kami na mainonormal ko. Hays

VIP Member

Dapat mommy nag public hospital kayo at tiningnan ninyo lahat ng anggulo na pwedeng mangyari dahil di natin alam kung pano talaga tayo manganganak. Hays pero tiwala lang po. Di yan ibibigay ni Lord kung di nyo kakayanin. 🙌🏼👆🏻❤️

5y ago

Nako kaya po pala, mahirap po talaga pag ganon. Ako nga din po first time mom din. Kahit tiwala ko na mainonormal ko tong panganganak ko natakot pa rin po ako sa gagastusin incase ma CS ako kaya nag public talaga ako. Basta mommy utay utay lang, malalampasan din po yan. Madami naman pong willing to help. 🥰

VIP Member

There's always hope in everything mommy please stay strong. Di po forever ang kalagayan nyo, sa susunod makakaahon din po kayo. Napakahirap pero kailangan tiisin at pray lang po, may awa ang Dios.

VIP Member

Kapatid ko naman umabot 220k ang bill, gulat kaming lahat. Pero kasi ang case nya nag overdue na, highblood at nakain na nag baby ung poop nya kaya matagal sila pareho naconfine at anti biotic.

5y ago

Aw ang laki. 😭

Keep strong po momsh. Nakakalungkot nga yung ganyang pinag dadaanan mo. Bsta wag mong pabayaan sarili mo. And pray lang. Malalampasan mo din yan.

TapFluencer

Mommy San ka nanganak? And San ka sa commonwealth once dumating mga padala saken ng auntie ko gamit ng babies bigyan kita taga commonwealth lang ako.

5y ago

Hi momsh, dito kami now sa luzon ave lumipat ni LIP. Pero nanganak ako sa wcmc sa anonas dahil dun kami nagrerent malpit dun dati. eto po fb ko : fb.com/realxane31 Sorry po sa abala :(

TapFluencer

Mommy strong lang always talk to god . Alam ko si god binibigyan lng tayo paggsubok.

5y ago

Yes po. Salamat

hi mommy I have a breast pump and some baby supplies. taga saan ka?

5y ago

Momsh pls contact me. Sorry 😔😔😭😭

San address mo? Boy o girl? Baka my gamit si lo na pwede ipadala

5y ago

Qc po along commonwealth