Mas matalino pa sa doctors

Di ko maintindihan ibang mga members dito. Mas feel pa magtanong sa mga medications / advices sa kapwa members kesa mas maniwala sa doctors nila. No judgment kung magtatanong ng experiences, magshare ng struggles, magbigay ng advices. Pero yung mga nagdadalawang isip pa sa sinasabi ng doctor tas mas maniniwala pa sa sasabihin ng kapwa members. Siguro naman di sasabihin or irereseta kung nakakasama db.

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mamsh di po lahat ng doctor alam sa ginagawa nila. May mga doctor na mapangpera. May mga doctor na naka pasa dahil sa influence at binayaran lang. Kami we only go to a family pedia. Best friend nang mama ko kasi yung ibang pedia try namin nag reresita na nang antibiotic kahit d panamn kelangan. Admit na agad kahit d pa needed. Kasi nga (pera is life) ๐Ÿ˜….. Asking second opinion to mommies here will help you weight your situation while weighing the advices of your so called pedia. I am not against all pedia but based on experiences na rin kung out of town pedia namin we consult other doctors iba na diagnosis nakakatawa minsan. So please trust your gut always!

Magbasa pa