Contraction 2cm First Time Mom

Di ko alam kung oa po ako pero sobrang sakit po ng contraction ko. Parang natatae na humihilab na parang naiihi. 2cm palang ako kaya advice ni ob antayin daw gang mag 10cm. Yung primerose oil orally ko po tinitake 2 capsules 3x a day. Tapos brown discharge palang po. Ang sabi sakin magiging reddish na white clear dw po pag manganganak na. Sobrang sakit po ba talaga kahit 2cm palang? Gusto ko na po makaraos.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

hello! ganyan po talaga pag nagllabor na, habang tumatagal lalo pong sumasakit. inform your ob po kung sobrang sakit na at kung need niyo na magpa admit. tiis lang po mommy, soon makikita niyo narin si baby ☺️🙏 hoping for your safe delivery 🙏