lihi ba to?

Di ko alam kung lihi ba to kung lihi man ito ayoko na maglihi. Lagi nalang kaming nag aaway mag asawa. Laging mainit dugo ko sa kanya as in ramdam kong tumataas at umiinit dugo ko sa kanya. Kahit sya mismo sinasabi di na nya ako halos makilala para daw akong lion na halos gusto ko syang lapain ngayon lang kami nagkakasagutan ng ganito ngayon lang kami nag aaway ng ganito. Ang bilis kong mainis sa kanya. Di naman ako makatulog pag magkaaway kami lagi ako napupuyat pag di kami okay pero gusto ko rin lagi ko syang nakikita pero naiinis naman ako sa kanya. Pero naiinis talaga ako sobra ang patola pa nya. May solusyon ba sa ganito? Please help. Please respect pati sarili ko di ko na rin makilala. (1st trimester)

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dahil po yan sa hormones, 2months din ako ganyan (2nd trimester) galit ako sa isang tao (family member lang din), tuwing naririning ko boses niya naiinis talaga ako nahihighblood ako haha ginawa ko iniwasan ko siya, I tried to think happy thoughts, divert my attention