posterior, placenta totalis

Delikado po ba sa buntis ang placenta previa ? Pano maiiwasan to ?

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kung nasa second tri ka palang pwede pang tumaas placenta mo pero kung late na CS automatic. Sa akin umkyat na ng konti pero nasa bukana pa rin ng cervix yung placenta. Pag nagdilate daw pwede ako magbleed. So we opted to have scheduled CS na lang kesa irisk ko pa ang bleeding. Nagbleed pala ako at 17 weeks dahil dun. Nabedrest ako for a month at may iniinom na pamparelax ng uterus until now. 36 weeks na ako ngayun. Waiting for 2 more weeks.

Magbasa pa
3y ago

kmusta nman po kayo nong inoperahan di po kayo nag bleed.nakailangan salinan nang dugo...di po kayo nag pre term ilang weeks po kayo na cs

6months nung nalaman kong may previa totalis ako mga mommies . Pinagbedrest ako kaso diko din maiwasan kumilos kse may 3yearsold pa akong anak. Kaya kahit gusto ko mag rest hindi pwede. Pero di ako ngbubuhat ng mabigat at nagpapagod. Sa awa ng diyos hindi ako nagkaspot . Sana maging ok baby ko . Niresetahan ako ng dunivillan pamparelax ng matres kaso 1week lang dapat inumin .

Magbasa pa
4y ago

naging normal po ba yung manganganak nyo po?

28 weeks ako placenta previa totalis din. Sabi ng OB ko 80% ang chance na tataas pa at di ako ma CS. Pinagbed rest lang nya ako, no sexual intercourse, walang buhat buhat abd bawal tagtag. Mag eexpand pa naman daw lasi uterus ko so malaki pa chance na maresolve. Sinusunod ko lang advise nya.

VIP Member

Maselan po pag previa, pwedeng duguin pag nasundot, pag natagtag. Sa delivery naman, CS pag ganyan. Sabi ng OB ko iikot pa naman daw po yan. Wala kang pwedeng gawin kung magpray Si Lord lang ang makakatulong iposisyon sa tama ang placenta mo mommy.

Mahihirapan po magnormal delivery pag naka block po ang placenta sa cervix. Delikado po para sayo and sa baby. Unfortunately, it cannot be prevented. Pero ang sabi, iwas lang po sa smoke/smoking. Madalas, OB will advise CS para sa ganitong condition.

VIP Member

Ang alam ko pag totalis CS na talaga kasi nakaharang yung placenta sa labasan ng baby. Delikado kasi mauna ang placenta. Pero kung nasa early or mid pregnancy ka pa, pwede pa namang umikot.

VIP Member

Ganyan din po nakalagay sa ultrasound ko.. Placenta previa. Wala namang masama.na nabanggit OB ko about jan. Ang napansin nya is yung contractions.

5y ago

Mommy, nakaka experience ka ng contractions dati?

VIP Member

Pero kaya pa din naman normal