Baby out: 12-14-22@12:11AM💞 Sharing my Experience CS w/ BTL.

December 13, 5PM ang sched ko for admission dahil sobrang traffic 8PM na nakarating ng Hospital at late na ako hehez. Pina ready kay Mister lahat ng gamit namin ni Baby and pumirma kami pareho ng mga papers esp for BTL. Papa ligate na kase ako ☺️ 2 is enough, boy ang panganay ko (2years & 3months old) at ngayon ay baby girl na 🥰 10PM na ako na admit and midnight ako paaanakin♥️ Habang nag hhintay mino monitor nila ang sugar ko kase nagka GDM ako pero na cleared naman na with my Endo. Medyo kabado ako pero super excited na makita si Baby. ECS ako sa panganay ko at nakatulog ako during surgery. Ngayon sa bunso ko gising na gising ako. Anlamig sa operating room. Turok anesthesia, namanhid. then start na sila Doc. Dun sa ilaw na nakatutok sakin may maliit na mirror na maaaninag mo yung operation. Dahil curious ako pinanood ko hahaha hindi kase talaga ako makatulog 🤭 Ang kyut pakinggan ng mga Surgeon habang sinisimulan na yung pag hiwa hiwa sa tummy ko. Parang sila yung sa mga K-Drama 😆 Dizai! andami ngang layer yun. Medyo blurred kaya hindi nakakadiri panoorin. Super Happy ko kase na witness ko kung paano ilabas si baby. Nung marinig ko yung iyak nya, tumulo tlga luha ko. kakaiyak. worth it ang pag biyak hehe. Habang nililinisan si Baby. Sumunod naman yung ligation. Nakita ko yung fallopian tube pinutol. Ang kyut talaga nila Nagpapalakpakan sila kada success sa mga ginagawa nila. Mas matagal natapos ang operation dahil sa ligate. Inip na inip na ako lalo na nung nagtatahi na sila. Habang tinatapos nila tahi, si baby tina try mag breastfeed sakin hehe cute. Di pa marunong ayaw nya hahaha. Lalo akong na excite syang hawakan. Tapos na surgery parang naka 2hrs sila kase 2AM onwards na nung nasa recovery room na ako. Si Mister unang nag linis ng pupu ni baby Hahaha color black pa pupu.

Baby out: 12-14-22@12:11AM💞 Sharing my Experience CS w/ BTL.
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Masakit ba mi un tinuturok sa likod na epidural? Cs din kc ako ngaun jan27.kinakabahan ako baka masakit un ipedural🥲

2y ago

Ang cute ng baby mo,sana ako din makaraos na jan 27 pa ako.natatakot kc ako sa inject sa likod un epidural mi hehe,bahala na c batman.