ABORTION OR NOT ABORTION?

Dapat bang magpa abort ka kung hindi pa kayo ready ng Partner mo? Or dapat Panindigan nyo kung anong ginawa nyo? Let me hear your thoughts.

222 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi pa rin kame ready ng partner ko pero pinanindigan namin kase walang kasalanan ang baby at never pumasok yung abortion sa isip namin . Sabi ko sa sarili ko itatago ko to hanggang sa kaya ko pero 10 weeks palang akong pregnant nalaman na ng parents ko and i remember what my tita said na hanggang ngayon hindi makabuo ng baby "maswerte ka kase hindi lahat ng babae kayang mabuntis/magkaroon ng anak" siguro wala sa timing sa ngayon dahil di pa kayo ready, pero baka dumating ang araw na kapag ready na kayo e hindi na kayo biyayaan🙂

Magbasa pa

Sobrang nakkonsensya ako isipin ang abortion nung nalaman kong pregnant ako. Kasi 1yr to go na lang ggraduate na ako sa college pero nabuntis ako.. nasagi sa isip ko ang abortion pero sobra akong nakokonsensya nun kahit isipin lang, ayoko din tlaga gawin. Dahil baka magsisi ako sa karmang dadating sakin. Naniniwala naman ako nun na hindi ibibigay sakin ng diyos to kung di pa talaga time pero eto binigay nakakatakot tanggihan.. suportado naman ako ng naging asawa ko, mahirap sa simula pero unti unti naman magiging okay ang lahat..

Magbasa pa
VIP Member

Kung di kaya panindigan ang magiging bunga, why sex in the first place? At malaking kasalanan yun. Maatim ba ng kunsensya na pumatay ng baby? Madaming tao na kahit nahihirapan sila, they keep on fighting every day, why? Kasi para sa anak nila kahit di pa sila ready, para sa anak nila kinakaya nila, nagpapakahanda sila at naninindigan sila. Mas gusto ko pa nga yung mga under age na nag buntis pero di pinalaglag, kesa sa mga nasa tamang edad na pero dahil sa lintik na dahilan nilang di pa handa papatay ng baby. Nakaka 💔

Magbasa pa

Dito talaga sa Pilipinas abortion is a sin sa ibang mga bansa legal naman pag papa-abort. Para kasi sakin 50/50 kung itutuloy mo pag bubuntis make sure na maibibigay mo ang pangangailangan nya hindi yung pag labas pabayan mo lang magiging miserable ang buhay nya sa mundo. Kung hindi kapa ready wala kang plano mas mabuti siguro kung ipabort mo kesa naman bata palang sya puro kahirapan na mararanasan nya. Again di ako favor sa abortion pero kung hindi pa talaga ready gumamit ng protection pag makikipag sex para di makabuo.

Magbasa pa

Ready or not, ituloy mo yan.. "6th commandment Wag kang papatay" Tao na yang nasa tyan mo. May puso, may buhay.. LIFE IS SACRED. God put that baby in your womb. "Thus says the LORD, your Redeemer, and the One who formed you from the womb, ‘I, the LORD, am the maker of all things, stretching out the heavens by Myself, and spreading out the earth all alone . . .'" (Isaiah 44:24, NASV). Andaming naghihintay ng blessing, swerte nyo at sa inyo ibinigay. Wag nyo sana sayangin.

Magbasa pa

No! Dont abort it! Ako nga kahit hiwalay na kami ng ama ng dinadala ko tinutuloy ko kasi blessing yan! At wala naman kasalanan yung bata kung binigay na sya sainyo ni god ng di kayo ready! Pero dapat all the time po ready kayo kasi lalo na alam nyo namang maynangyayari sainyo ng partner mo. Ituloy mo yan girl, kawawa si baby. Yung iba gustong mabiyayaan pero di sila pinapalad, kaya maswerte kayo at biniyayaan kayo ni god ng napaka gandang blessing.

Magbasa pa
5y ago

Same here! Hiwalay dn sa tatay neto.

If you use your brain sa pakikipag talik para lang ma satisfy ang sexual desire nyo mag partner then use your brain also for your question! wag mo na dapat itanong yan. Alam mo na ang sagot sa katanungan mo nang hindi humihingi ng opinyon ng ibang tao. Minsan kasi alam na natin yung sagot pero nanghihingi lang tayo ng simpatya ng ibang tao. So pag madaming nag agree about abortion itutuloy mo? Be mature enough! If nkipg sex ka ano i neexpect nyo flat screen tv?

Magbasa pa

First of, hindi naman mabubuo si baby kung hindi nyo ginusto. Second, hindi ka bibigyan ni Lord ng pagsubok na hindi mo kaya. Third, you'll be a murderer dear. Fourth, responsibilidad mo kay Lord ano man ang gawin mo sa bata because every child is a gift from God. And you never throw away a gift that easily. As much as possible you try your best to take good care of them. Lastly, hindi ka rin naman papatulugin ng konsensya mo kung papatay ka ng tao. 😘

Magbasa pa

Maski wag na yung "madaming nagugutom" "madaming di mkabuo ng anak" theory isipin mo. Isipin mo ung tama o mali. For sure naman di ka tanga. Or if tanga ka, sana sundin mo advice dito. Maski kelan maski saan maski anong rason pa yan. Mali at laging magiging mali ang abortion. Nasa sainyo na yan kung talagang gusto niyo sumama sa porshento ng mga taong walang ispirito puso at kaluluwa. Nakakagigil man. Ipagdadasal nalang kita.

Magbasa pa

NO TO ABORTION.. Ako nga ooh c bf ko ng aaral pa tapos ngaun nabuntis ako never ko inisip na i pa abort ang bata kaht na alam ko na d pa namen kaya buhayin at kaht d ako tinutulungan ng magulang ko pinilit ko padin buhayin ang bata kaht sobra mahal ng mga gamot na pampakapit pinikit ko para mabuhay cia.. wala naman kasalanan ang bata... kaya wag nio ipalaglag maawa kau... hindi lahat nabibiyayaan ng ANAK

Magbasa pa