MASAMA BA ANG PULBO PARA KAY BABY?

Dahil sa init ngayong summer, maraming nanay ang gumagamit ng pulbo para kay baby. Ngunit kahit na nakakabawas ito ng init sa katawan, may mga MASAMANG EPEKTO ang pulbo. Ipinagbabawal ng mga doktor ang paggamit ng pulbo sa mga baby, lalong-lalo na kapag siya'y isang taon pababa pa lang. Ang mga maliiit na particles ng pulbo ay malalanghap ng sanggol at maaaring makapagdulot ng problema sa baga at paghinga. Ilang sanggol na rin ang nagkaroon ng seryosong problema sa paghinga dahil dito. Kung hindi maiwasang maglagay ng pulbo, tandaan ang mga sumusunod: 1. Pumili ng cornstarch-based na pulbo. Ito ay mas safe gamitin dahil mas malalaki ang particles nito at hindi masyadong malalanghap ni baby. 2. Iwasan rin ang pagpupulbo kay baby ng direkta sa katawan niya. Siguraduhing ilagay muna sa kamay ang pulbo bago ipahid kay baby. 3. Tiyaking hindi nalalanghap ni baby ang pulbo. Kung maaari, takipan ang ilong at bibig niya habang pinupulbuhan ang katawan niya. 4. Siguraduhing punasan ang mga natuyo o namuong pulbo sa leeg, likod, o pwetan ni baby. TANDAAN! Maging alisto sa mga bagay na inilalagay kay baby. Hindi porke't pwede sa ating matatanda ay pwede na rin sa kanila. Mas mabuting maging alerto kaysa malagay sa peligro ang buhay ng anak mo.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Thanks for sharing ☺️