Bed Rest pero feeling ko mas nanghihina ako (physically and emotionally)...

Currently in strict bed rest dahil may subchorionic hemorrhage ako, pero wala naman ako spottings. Hindi sa nag cocomplain ako kasi I know naman na this bed rest is for the sake of my pregnancy. As the day goes by, nakakaramdam na talaga ako ng hindi maganda dahil sa palaging nakahiga nalang ako. Nakaka ramdam na ako madalas na pananakit ng ulo, shooting pain sa may dibdib, hirap maka tulog minsan, on and off back pain, and panghihina. Kaya naman minsan talaga tumatayo ako just to stretch out my body at mag circulate properly yung dugo sa katawan ko, kasi feeling ko lantang gulay na talaga ako dahil sa mag damagang naka higa. I don't know kung hanggang kailan ako on strict bed rest. Pero I am praying na mawala na yung subchorionic hemorrhage ko so that I can have basic physical activities. Anyone who experiences the same? What are your thoughts po? #Respectpls #firstpregnacy

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako po significant subchorionic hemorrhage na... pinayohan din ako mag bed rest . Kaso may toddler ako na need buhayin tas need din ng financial support dito sa pinagbubuntis ko... hindi ako nag bed rest.. lalo ako mastress pag walang pera e ๐Ÿ˜…... ang ginawa naming mag asawa hatid sundo ako sa work... kasi pag hindi 2 sakay pa papasok tas pag uwian 2 sakay din... tas lalakad pa ako pa opis ng 4 na kanto pa..tas nasa 3rd floor pa opis namin wala elevator.. Bukod sa hatid sundo.. prayers talaga.. tas hindi ako akyat baba sa opis... once na umakyat na ako baba ako ay uwian na... twice din ako nainom ng pampakapit sa isang araw. Tas bawas sa pagkilos sa bahay tas bawas kalong sa toddler ko... Tas NO SEX talaga Awa ng Diyos.... 23 weeks na si baby...

Magbasa pa