Bed Rest pero feeling ko mas nanghihina ako (physically and emotionally)...

Currently in strict bed rest dahil may subchorionic hemorrhage ako, pero wala naman ako spottings. Hindi sa nag cocomplain ako kasi I know naman na this bed rest is for the sake of my pregnancy. As the day goes by, nakakaramdam na talaga ako ng hindi maganda dahil sa palaging nakahiga nalang ako. Nakaka ramdam na ako madalas na pananakit ng ulo, shooting pain sa may dibdib, hirap maka tulog minsan, on and off back pain, and panghihina. Kaya naman minsan talaga tumatayo ako just to stretch out my body at mag circulate properly yung dugo sa katawan ko, kasi feeling ko lantang gulay na talaga ako dahil sa mag damagang naka higa. I don't know kung hanggang kailan ako on strict bed rest. Pero I am praying na mawala na yung subchorionic hemorrhage ko so that I can have basic physical activities. Anyone who experiences the same? What are your thoughts po? #Respectpls #firstpregnacy

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same mie. Nakabedrest ako today at lantang gulay kasi feeling ko kulang sa sikat ng araw at madalas ako magoverthink na pabigat ako dito sa bahay na hinahatiran pa ng pgkain sa kwarto. Sumasakit ma rin mata ko kakaphone at kakabasa ng libro pero wala naman ng ibang magawa 😭

ako din Nakabedrest. almost 3 weeks akong may spotting Mula 5th week Hanggang ngayun na 10th week ko Nakabedrest ako. nung magstop na Yung spotting ko medyo tumatayo n ako ngayun pero. halos 4 heragest a day ang tinetake ko ngayun. pray ka lang lage.

may SCH din ako at 9 weeks pero no spotting, wala akong tinake na pampakapit at di rin ako nag bedrest. 19 weeks ako now wala na yung SCH ko, depende po sguro sa katawan nyo kung talagang maselan po ang pagbubuntis better mag bedrest.

i am also same as you when im pregnant with my daugther... now shes 2.5months and healthy... try to read some pregnancy books or about sa upcoming baby mo. isipin mo nalang its for you and your baby's sake kaya ka bed rest for now

naiintindihan kita. ako po di nmn nirequire i bed rest nahihirapan po ako magbuntis. mas lalo.po sa inyo. first time ko din po na maging mommy. di biro nararamdamn mo. sana po maging ok na.

Magbasa pa

ganyan din ako advice sakin ng ob ko na mag bed rest di ako nagbubuhat at kumikilos masyado kaya lang hindi ko mapigilan talaga ang stress kaya ayon nakunan nga ako