Bed Rest pero feeling ko mas nanghihina ako (physically and emotionally)...

Currently in strict bed rest dahil may subchorionic hemorrhage ako, pero wala naman ako spottings. Hindi sa nag cocomplain ako kasi I know naman na this bed rest is for the sake of my pregnancy. As the day goes by, nakakaramdam na talaga ako ng hindi maganda dahil sa palaging nakahiga nalang ako. Nakaka ramdam na ako madalas na pananakit ng ulo, shooting pain sa may dibdib, hirap maka tulog minsan, on and off back pain, and panghihina. Kaya naman minsan talaga tumatayo ako just to stretch out my body at mag circulate properly yung dugo sa katawan ko, kasi feeling ko lantang gulay na talaga ako dahil sa mag damagang naka higa. I don't know kung hanggang kailan ako on strict bed rest. Pero I am praying na mawala na yung subchorionic hemorrhage ko so that I can have basic physical activities. Anyone who experiences the same? What are your thoughts po? #Respectpls #firstpregnacy

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako 8 months ako bedrest due to placenta previa totalis..short cervix...i already loss 2 babies na..kaya ako i surrender all things kay God..kahit mahirap..hindi ako mag cocomplain..kasi hindi ko na makakaya if mawala pa ung baby ko..pray it works..masakit sa katawan..oo..meron na nga ako sciatic nerve pain pero tinitiis ko un..ung umabot kami ni baby sa full term isang himala na po un..

Magbasa pa