Ilang months or years pwede ulit mag buntis pag CS?

Currently 6mos PP at CS mom. Nag PT ako medyo my faintline not sure evap line ba un or faint line talaga. Ano pong incite nyo na 6mos pa lng si LO tas preggy na ulit tas CS pa. My nka experience po ba un? Di nmn po kayo highrisk? Thank you mga mi first time mom po ako. PS: Sa mga mag cocomment na dapat nag ingat yes alam ko po. Naka pills po ako at withdrawal kami. At kung regarding nmn financially yes kaya nmn namin buhayin both incase na positive tlaga. We do have a stable job naman with slightly high salary. Baka kase mabash pa. Thank you po.

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo mii, ako naman 8 months yung panganay ako and at that time 2 months na akong buntis sa pangalawa ko, CS mom din po ako. Okay naman po yung pagbubuntis ko pero mas nag diet po ako sa pagkain kasi nga po natatakot ako na lumaki ng sobra si baby. Minsan masakit yung sa may bandang hiwa dahil nga po hindi pa nag hiheal yung sugat ay nasundan na naman agad. Tsaka payo ko sayo mii iwas ka sa mabibigat na gawain at wag ka masyado makikilos. Awa naman po ng Diyos kahit medyo risky yung pangalawang pagbubuntis ko ay kinaya naman po. Yun nga lang pagdating sa sugat o hiwa mas masakit ang mararamdaman mo kumpara sa una😊

Magbasa pa

di ka po ma'am mag worry Kasi may reason Naman behind kung bat nabigyan Tayo agad ng mga anak, though di natin ine expect, alam ko po makakayanan po Yan.. Hindi Naman po nagsabi na risky, nagtanong din po Kasi Ako nun Kasi Yun Ang una Kong worry, 10 months palang si baby Nung nalaman kong buntis Ako ulit... ok lang Naman daw po, ok lang Naman daw Yung tahi din.. Basta Ang I monitor lang daw po e any signs of labor, punta kaagad sa doctor.. lakas lang din po ng loob mamsh and be greatful para ma lessen Ang worry. pray po palagi for strength kahit mahirap Minsan mga situations..

Magbasa pa

currently on my 3rd pregnancy (2nd time ma c cs) madali po Ako mabuntis, siguro dahil ayaw ko din gumamit ng any contraceptive., sept 2021 bday ng panganay, pangalawa June 2023 then ma give birth Naman po Ako sa pangatlo this Dec 2024 oks lang po Yan kung na sunod sunod, it's a blessing from above,.. mahirap/challenging po pero kakayanin Naman yan.. kinaya nga ng mga walang stable na job, Tayo pa na meron. pray lang din po and ask for strength and good health for the family..

Magbasa pa
4mo ago

ano pong sinabi sainyo ni OB nyo po nung magpa check up po kayo? hindi daw po ba risky na magbuntis agad kapag cs? 1y4m na po ksi since ma cs ako, at ngayon month delay din ako. natatakot dn po ksi ako kasi baka delikado. salamat

di naman po Ako nasabihan ng doctor na at high risk, Basta Sabi any masakit na ma feel ko wag ipasawalang bahala, punta agad ng doctor. 4 months na po Ako at Wala Naman po akong nafi feel na any symptoms na at high risk Ako.. nagbubuhat pa nga po Ako ng 1 yr old ko 😅 nasundan po Kasi agad, so di ko Naman pwede di intindihin pag kailangan kargahin..

Magbasa pa
4mo ago

Hi mamsh! I suggest wag ka po muna mgbuhat buhat dahil lng wala ka nararamdmn pa. Normal po na wala ka pa maramdmn n masakit kasi 4months pregy ka pa kng meaning d pa masyado ngeexpand yung matres mo or d pa masyado malaki si baby para mgexpand matres mo. Once po kasi na ngexpand na yan possible po mastretch yung tahi mo po since 1-2 yrs lng po gap ng pregnancy mo. Ingat po plgi

VIP Member

I am a CS mom of 2 babies din po.. going 3. ang gap po ng 1st and 2nd born ko is 1 year lang. then now po preggy po ulit ako, 2 years gap naman. kinabahan din ako at first kasi ang sabi sakin atleast 4 years dapat bago magbuntis. pero nung nagpacheck na ako, okay naman daw dahil naka 1 year naman na, wag lang daw 1 year below

Magbasa pa

if cs, 2 years gap pwd na mag normal delivery(VBAC) depende sa assessment ng VBAC advocate doctor kasi may mga factors they need to consider para pwd sa VBAC (vaginally birth after CS). If less than 2years nabuntis after CS, expect CS ulet.

3mo ago

try to look for vbac advocate and ask for advise. or if so, they have found something na nakapagsabi sila ng ganyan ka tagal na gap :)

May kilala ako mi, 3 months palang yung panganay nya nasundan na agad. CS mom din sya. Okay naman sya now 😊 Basta kaya ng katawan mo okay lang yan mi. Praying for your healthy pregnancy if positive man yan. 🙏

VIP Member

ideally 2-3 years interval between pregnancies, for your body to fully heal and recover. But with cases na below 2years nabuntis na ulit , constant check up and monitoring lang with your OB, and you should be fine.

yung friend ko di pa nag 1year yung panganay nya.. nabuntis agad siya 4months.. so far ok naman yung baby nya kaso deretso Ligate na siya. sabi nya nahihiya siya kako eh walang nakakahiya kasi may asawa kanaman..

xa pinsan q nga po 3months lng buntis ulit cs dn un ngaun malalaki nah preho mukha lng clang kambal habang lumalaki,,,aqo nmn nov 26,2022 nanganak after 15years ngaun buntis ulit ng 3months cs dn aqo