curious lang po mga mi

paano po ba malalaman if preggy kahit hindi mag take ng pt? ayaw kasi ng partner ko na mag pt ako kasi feel na daw nya at dun din naman na papunta 3weeks and 1 day na po akong delayed may ilang symptoms din na nararamdaman at ilang weeks na din ako nag ooverthink gusto ko po makasigurado ang kaso di akoo makalabas para bumili ng pt dahil ayaw ng partner ko

28 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

MAG PT ka na wag mo sundin asawa mo your body your rules, kung delay ka na go na mag buy ka na kawawa naman yung baby if ever na may laman need mo na agad magpacheck up sa OB para mabigyan ka ng tamang vitamins.

nyek may saltik ba yan partner mo? yun una gagawin kelangan mag PT to confirm. o tapos ayaw niya mag PT ka? nagpapa control ka naman? kung di ka mag PT bakit di ka nya hayaan magpacheckup sa OB???

Para sure mi pt kana. Kase klaro na ang lines pag 3weeks delayed if ever positive. ❤️🙏 Buti na ung sure kesa manghula. At para maka prenatal kana rin alam mo gagawin u sa 1st trimester

magpt kna po pra malaman mo mapanatag ka makapagpacheck kna dn partner ko sya nagsasabi skn magpt pero binaliwala ko kc ayuko umasa baka negative 6weeks nako nung nagpt ako

hi, mi. Mag PT ka na. That's the only way para mapanatag ka na. You have the right to do what you need to do. Your partner is too controlling. That's not a good sign.

Kailangan mo malaman yan ng maaga mas maganda para makapagtake ka ng vitamins. PT first. kung ayaw, magpa OB na kayo pero tatanungin din yun kung nag PT ka na.

kung 3 weeks kanang delay edi mga asa 7weeks na yan kung sakali magpt kana at magpatingin sa Obgyne ng maresetahan kana ng mga prenatal vitamins. goodluck 👍

mag PT ka ng malaman mong buntis ka ng makapag pacheck up agad makainum ng vitamins at folic di yang nagpapacontrol ka sa asawa mo may sarili kang isip mi

pwede ka nmn po mag p.t ng di nya alam para aware ka dn po kung buntis ka o ndi ! pra kung sakali bunis ka maiwasan ang mga bawal at makapag ingat ka .

Ang red flag naman nung mg pt lng dimo mgawa mie..kung tutuusin maliit na bagay lng yan and need mg pt pra ma sure mo at mkpg pa check up kana