cs delivery
cs po ako sa 1st born ko 2021 now preggy po ako 2months na, pwede po kaya ako magnormal delivery sa 2nd ko? frank breech po dahilan kung bakit nacs ako sa una.

Pwede naman po. Although sa akin, unsuccessful pero dahil natural birth advocate ang OB ko, ok sa kanya to try VBAC. Ang usapan namin, may mga criteria na dapat akong ipasa. Meron akong pelvic xray to check ung sipit-sipitan kung di sya maliit.. then merong ultrasound to check kung kamusta ang healing ng sugat sa loob (hindi po sa labas). Nung nakita na di pa healed at may certain measurement na hinahanap si OB, di nya ako pinayagan. May risk na mag rupture ung sugat sa loob habang may contractions ka. Hanap kayo ng OB na VBAC advocate para ma-advise po kayo, pero don’t be disheartened po kung CS pa din ang delivery kay baby. Btw, 3 years pagitan ng first and second child ko. Preggy with third, after 7 years pero CS na ito.
Magbasa pa


