cs mom

cs mom here, its been 25 days na since nanganak ako. lagi ko pong bantay si baby at di maiwasan na nabubuhat ko siya to the point na may sumasakit na sa bandang inopera sakin, nakapagbuhat din ako ng mabigat one time. then ngayon, sumakit na talaga siya yung bandang kanan ng puson ko makirot na hindi ko malaman. need ko na kaya magpa-check up? hays sa loob kasi talaga yung makirot. thank you.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Cs din ako pero 5 yrs ago na sa 1st baby ko. Nabubuhat ko naman ung anak ko pero ingat lang talaga. Ung ibang bagay di ko binubuhat pag mabigat wala din linis linis ng bahay nagpapalinis lang ako at nagpapalaba kasi di masyado makatayo diretso pag nacs ka. Sa loob pa ng 3 months masakit pa din ung tahi nyan o kahit taon na lumipas sumusumpong ung sa tahi nyan sa loob lalo na pag nagbubuhat ng mabigat. Itong sa akin 5 yrs na pero nahihirapan pa din ako magbuhat buhat kasi sumasakit talaga minsan namamaga pa yan. Ngaun buntis ako 5months na nitong darating na june ang hirap magbuntis ng na CS na noon. Siguro po itanong nyo sa OB nyo na nagpaanak sa inyo kung ano kaya dahilan ng pagsakit nya. Pero masakit po talaga ang tahi ng CS kahit matagal na pero depende rin po siguro sa pagkakatahi at pag iingat ng nanay sa sarili nya. Sana po nagpagaling muna talaga kayo bago nagbuhat buhat.

Magbasa pa

Yes po mumsh pacheck up na po kayo. Bawal po magbuhat ng mabigat ang naoperahan baka po bumuka ung tahi.