It really hurts
Is it a crime na mag buntis before marriage?I know its a sin. But I already asked God for forgiveness. And I already forgive myself. Pero yung mother ng boyfriend ko grabe kung husgahan ako. Siya yung inexpect ko na mkakaintindi sa akin dahil she went through the same experience. Pero bakit ganon kung husgahan nya ako. Porke ba tumira ako ng ilna buwan sa bahay nila pwede na niya sabihin sakin kahit ano kahit nakakasakit? Sa totoo lang hindi pa ako nakakamove on sa mga nagawa nya sa akin nung nakatira ako sakanila. Pag dabugan ako dahil sa maling akala niya, iwanan kami ng bf ko na walang pagkain sa bahay sa loob ng isang araw (buntis ako non and nasakanya pera ng Bf ko), sabihan ako na college degree holder ako pero walang trabaho daig pa daw ako ng anak nya na vocational pero may trabaho (napahinto ako sa pag wwork dahil nag buntis ako), pati family ko sinabihan nya na united nations daw kami dahil iba iba kami ng mama at papa, and sabihan ako na wala ako naitutulong sa anak nya sa pag aapply. Hindi niya alam yung mga effort ko kasi di ako yung tipo ng tao na gagawa lang ng mabuti dahil may nakatingin. Ang sakit padin. Iniiyakan ko padin. Nag dadalawang isip na ako kung papakasalan ko pa ba yung bf ko. Hindi niya ma appreciate yung mga mabubuting bagay na nagawa ko. Nakakalungkot dahil pamilya turing ko sakanya pero parang ibang tao ako para sakanya. Minahal ko buong pamilya ng bf ko pero simula ng nag buntis ako nag iba lahat. Parang ako na yung pinaka masamang tao na hindi dapat tularan. May isa pa na beses na dinabugan nya ako dahil kala nya ako yung nangialam sa ginagawa nya. Nung nakatira ako sakanila pag may nasisira ako agad sinisisi nya kahit hindi naman ako ang nakasira. Bakit ganon? bakit kahit mahalin at pahalagahan ko balewala. Sabi ng mama ko baka daw dahil sa wala akong trabaho at pera kaya ginaganon ako. Naisip ko na din yun dahil nung may trabaho ako ayos yung trato sakin pero nung nawala dahil nag buntis ako biglang ganon nalang.
Mommy of Jubal Isaac ❤️