heartbeat ng baby ko.

may chance paba magkaheartbeat baby ko? first baby ko to. sobrang sakit saken. HINDI KO MATANGGAP. SOBRANG TAGAL NAMIN INANTAY TO.๐Ÿ˜ญ๐Ÿ’” MARCH 23 huling regla ko. 3months na dapat baby ko.๐Ÿ˜ญ๐Ÿฅบ

heartbeat ng baby ko.
34 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi. Ganyan din po nangyari sa baby ko on my first pregnancy last year Oct. 2021. 7w4d. Missed Miscarriage din. Walang masakit sakin. Walang bleeding. After 1 week wala padin hb at di na lumaki. ๐Ÿ˜žMahigpit na yakap mii. ๐Ÿค๐Ÿ™ Sobrang nakakalungkot po talaga. Kasi ako nahirapan din magmove on. Pero ayun ang pagsubok ni Lord. Hindi pa para satin. Pero magtiwala ka lang ibabalik nya sayo ulit si baby. Kasi now, buntis na ako ulit. 3 months na. Yung hb na hindi ko nakita sa unang baby ko, mabilis kong narinig dito sa 2nd baby ko. Get well soon sayo mii. ๐Ÿค๐Ÿ™

Magbasa pa

mahigpit na yakap mie..anu po ba advice sa inyo ng dra kasi ako din di agad naman nagkakaheart beat waiting period halos is 3months kasi dun palang din talaga malalaman if nabuo ba sya ng husto? after 1st check up nag rereseta c dra ng mga vits at pangpakapit..dec aq nag p check nakita na meron n talagang baby balik ko jan nakita nia n nag iistart n daw ang heartbeat pero super hina pa by feb dun palang nia pinarineg sken yung heartbeat ng baby ko..mabait ang ob dyan need mo lang din talaga sundin mga sinasabi nya at maalaga din po sya..now im 32 weeks and 5days same ob lang tayo mie

Magbasa pa

parang bumalik yung sakit ๐Ÿ˜” ganyan din po 1st baby ko last year .. 3months na no heartbeat pero no bleeding naman po ako .. umasa akong magkakaheartbeat.sabi ng ob wait ulit kami 2weeks para sure ๐Ÿ˜“ pero kusa ng lumabas si baby .. isang mahigpit na yakap po sayo . papalitan din po agad yan ni AMA. May2021 po nawala yung 1st baby ko , May2022 po dumating yung binigay ni GOD ๐Ÿ˜‡.. may plano po ang diyos sa lahat๐Ÿ˜‡ .. stay strong po โฃ๏ธ

Magbasa pa
2mo ago

Same po, April 2021 nawala baby ko 4 months dahil nag open cervix ko. April 2022 nabuntis ulit ako after 1 year thanks to God. Kaso may hemorrhage na nakita sa ultrasound kaya nagkaron ako spotting. Sa ngayon bed rest ako at nagte take ng pangpa kapit.

8 weeks din ako ng December 2020 when I learned na wala na heartbeat. We waited pa ng January 2021 to confirm kung magkakaroon pa or not. Sadly, hindi nag-grow yung embryo. No spotting, kaya nakakagulat. Pero sabi ng OB it happens due to chromosomal absormality which is not within our control. I feel sorry for your loss. Pero don't lose hope. Makalipas isang taon, we're pregnant again. And we've got a little fighter this time.

Magbasa pa

Hi mamah Yakap ng mahigpit. Ganyan po ko last 2019 po 3 months na baby ko pero since 8 weeks weekly ako nag poascheck up nag aantay ng heartbeat niya pero hindi na talaga dumting hanggang sa 13 weeks po dinugo na ko nag decide na po kami magpa raspa :( pero sabi po sakin hanggat di ka dinudugo po laban lang po may kilala ako 3 months nilaban niya ayun nagka heartbeat po

Magbasa pa
1mo ago

โค๏ธโค๏ธโค๏ธ

wag ka pong mawalan ng pag asa may dahilan bkit hindi sya nag tuloy..may ibibigay pra s inyo s tamang panahon..panalangin lang po..ganyan din nangyari sa kain last aug 2021..due date ko sana march 2022..pero nabuntis din agad ako ng march 2022 kaya sobrang happy nmin..pag naraspa kase mabilis mabubuntis kaya tiwala lang..yung lungkot nyo mapapalitan din ng saya s tamang panahon..

Magbasa pa

Hello momshie! Same scenario, Iโ€™m 8 weeks and 4 days pregnant nung nagpacheck ako last monday. No cardiac activity din si baby pero dahil hindi naman ako nagbleed niresetahan muna ako ng OB ko ng mga kailangan na medicine para makatulong sa pagdevelop ni baby. After 2 weeks balik ulit sa OB. Donโ€™t worry, God hear our prayers. Sending prayers and hugs po ๐Ÿ™๐Ÿผ

Magbasa pa
1mo ago

Kamusta momshie? Ano balita sa inyo ni baby? Kami, unfortunately dinugo ako nung isang araw. Tpos nagpaemergency na din ako. And ang findings need ko ire-test ung tvs ultrasound ko para machecked si baby if may progress sya. Sadly, wla tlga heartbeat si baby. Ngayon kakauwi lang nmin ng bahay kasi kahapon din niraspa na ako. Para din akong nanganak at parang nasa hukay pla tlga ang isang paa. But never lose hope. Trust his plan! Praying for you too momsh. Be strong and healthy

VIP Member

ako 6 weeks na pala akong buntis delay ako sa regla ko May 5 nag decide na ako mag PT ayun guhit na guhit Kaya nagpa Ultrasound na ako agad buntis nga pero 50/50 pa baby ko dasal Lang tlaalga Kami nang asawa ko tapos eat healthy foods vits after 2 weeks Ultrasound ulit thanks God normal na heart beat ni baby ko I'm 3 months preggy now first time mom here โค๏ธ๐Ÿ™

Magbasa pa

try to second openion sa iba diyan din ako una nag pa transv . sungit ng doctor diyan e kala ko ko din wala yung baby ko yun pala super thiny niya lang kasi 4week and 6days ako . then nag pa check up ako sa may pricy na ob . then sunddenly nabuo na baby ko nagtake din ako ng folic every day . wag ka malungkot may plan ang dios .๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡

Magbasa pa
1mo ago

wow! โค๏ธ Thank you mamsh

Keep praying, may plano po si God sa lahat ng bahay. Hindi man magtuloy yan pero for sure may blessing na darating after. Ganyan din po sa case ko before, walang heartbeat si baby until tuluyan na syang nalaglag pero after 7 months po, binigyan nya ulet ako ng miracle, 18 weeks pregnant na ulet ako, and healty pregnancy na po. Keep your faith momsh.

Magbasa pa