nakakatuwa yung ibang mga soon to be mom din
buti pa kayo .puro bago kadalasan gamit ng anak nyo.ako kdlasan pinaglumaan lang ng pamangkin ko.konti lang nabili ko bago.at mga gamit ng first baby ko.hirap talaga pag single mom...kaya kahit alam ko buntis ako .after kakaiyak ko ng 3 months.bumalik ako trabaho.at nagipon kit papano.tas binudget gang until now.naghihintay na makaraos na kami ni baby para makabalik agad trabaho...sana all masayang inienjoy ang mga gamit na bago ng first baby. ..sana next baby ko.sa tamang ama na.at sana di maranasan yung mga paghihirap ng unang baby ko..
![undefined profile icon](https://static.cdntap.com/parenttown-prod/profile_15637872962857.jpg)
Ok Lang Yan momshie..ako konte Lang din pinamili ko.. actually marami ako binili noon para sa pamangkin ko baby girl,nag iwan Lang ako ilang piraso pang age 9-18mos just in case na magbuntis nga ako kc sayang nmn Yung chance na may budget pa that time..di nmn makapag keep ng marami kasi not sure if mgkababy ako,ng lalaki or babae kaya binigay ko halos lahat sa pamangkin ko..at Yun nga..nagbuntis nga ako at baby girl din kaya di na ko pinabili ng maraming bago dahil ipapamana din sa baby ko yung mga pinamili ko dati na ang iba di pa rin nagagamit..😆
Magbasa paOkay lang yan sis.. hindi naman importante if bago or hindi ang gamit ng baby mo, ang importante maayos and may nagagamit sya. Though I undertstand pag nanay ka na, gusto mo yung best and maganda para sa baby mo pero in time.. pray ka lang.. samahan ng sipag and tiyaga, God will provide.. :) Ang importante healthy si baby.. Yung pagmamahal and pag aalaga mo sa kanya yung pinakaimportante hindi ang magaganda or bagong materyal na bagay.. :) cheer up! :) I’m also a single mom and I know how you feel.. :)
Magbasa paMommy ako 90% ng mga damit ni baby naipasa lang lahat. Barubaruan na tig 3pcs. lng nabili ko sa mga damit nya the rest, bigay na lahat. Halos mga binili ko lng eh mga essentials panligo, rash cream, pang hygiene stuff, etc. Di naman kawawa baby natin mommy kung puro bigay halos ng gamit ni baby. Actually, laki ng tulong nun satin kesa bibili kpa bago. Pwede ka nman bumili ng mga bagong gamit/damit ni baby pag medyo malaki na sya like 1-2yrs old. Kasi newborn mabilis lng po lumaki. Wag kna ma sad mommy :) cheer up
Magbasa paOkay lng yan. Sabe nga ng matatanda maganda ang mga pamana yung bigay ba. Bukod sa tipid ka na ndi daw magiging materialistic baby mo hehehe mga pamahiin. Importante mairaos mo ng safe kayo ni baby at healthy. Xka mabilis lang lumaki ang bata. Pag nakaluwag luwag ka na don ka na bumawe. Ako nga ako pa minsan ung nanghihingi mg pamana kase nga laking tipid din. Sa panahon kase ngaun dpat maging praktikal na tayo momshie. Tipid sa gamit pero sa pagkain at education ng anak ko ginagapang namen ng husband ko.
Magbasa paOkay lang yan, importante malinis. Ako nga sa first born ko, halos bigay tlga lahat. Bilang lang yung bnili nameng mag asawa na bago, mamahalin at branded. Bigay or bili ng 2nd hand, make sure lang na malinis tlaga. Same din sa bunso, magka sunod kasi, so hand me down na from her ate. Mabilis lang nman silang lumaki, late ko na na-realize na sayang yung mga bnili nameng mamahalin specially shoes at damit, lalo na at hndi nman tlga palaging umaalis. Buti na lang nung nasundan agad babae ulit. 😅
Magbasa paMommy, actually mas makakatipid ka po sa mga hand-me-downs na damit at gamit. Mabilis lang daw naman po kasi kalakihan ng babies ang mga gamit. Ako nga po naghahanap ng magdo-donate kaso wala 😂 Okay lang po 'yan, 'wag ka na po malungkot, mommy. Hindi naman porke't napamanahan ng gamit ay kawawa na. Pagiging praktikal lang po 'yun mommy, especially po single mom ka. Cheer up ka na, don't stress! Don't feel down! Mararamdaman ni Baby 'yan sige ka. Hugs for you and baby, sis. 😊
Magbasa paako po puro pamana ng mga pinsan ko at bigay ng byanan ko ngayon 2nd baby ko which is good for me at tipid din po, saka mo nalang po bilihan ng mga bago si baby pag malaki na kasi mabilis lang po lumaki ang baby so kung bibili kapa masasayang lang po. ganyan po kasi ginawa ko sa 1st baby ko puro lahat bago pero ngayon 2nd baby ko na, di na ko bibili ng mga bago at branded para sa new born kasi konting panahon lang nagagamit. for me, ok parin ang preloved sa new born, tipid narin😉
Magbasa paOk lang mommy kung di bago ang mga gamit ni baby mo. Marami rin nmn kgaya mo. Like ako, bigay lng ung ibang gamit ni baby. Dahil wla k p sapat n budget pr kay baby, ilaan mo n lng s iba like gatas, diaper, bottle, vitamins etc. Bawi k n lng s pagmamahal at pag alaga kay baby. Kayanin mo bilang single mom, para s inyo dalwa ni baby mo. Sana balang mhanap mo rin ung lalaking para sau. Pero sa ngyon, focus k muna s baby u. God bless you and your baby. Be a happy mom 😊
Magbasa pa1st tym Mom din po ako mga pinaglumaang damit ng mga pamangkin ko ung gagamitin ko. Kaso ndi pa ako sure f ano gender. Pero so far since pang new born nman pwede kc all white nman. Kunti nlang bibilhin ko. Sa panahon ngaun hindi kailangang maging maarte noh. Hello! pandemic po tau. The Pandemic has brought us extreme poverty. Kunting laba lg eto and tsaaaraaan! Pwedeng pwede pa. Hindi nman mgrereklamo anak mo f luma suot nya ang importante safe at healthy sya. 😊
Magbasa paOkay lang yan mamsh. Been there. I know how you feel. As much as possible wag kang magself pity. Di makakabuti sa inyo ni baby. Makakabangon ka din at magiging lesson na lang lahat ng pinagdadaanan mo ngayon. Darating ang araw,maiibigay mo din lahat ng gusto mong ibigay kay baby. But for now,ang mahalaga pilitin mong maging stress free at masaya. Yan ang pinaka kelangan ni baby para maging healthy sya paglabas,higit pa sa materyal na bagay. Hugs for you❤️
Magbasa pa
New momma