nakakatuwa yung ibang mga soon to be mom din

buti pa kayo .puro bago kadalasan gamit ng anak nyo.ako kdlasan pinaglumaan lang ng pamangkin ko.konti lang nabili ko bago.at mga gamit ng first baby ko.hirap talaga pag single mom...kaya kahit alam ko buntis ako .after kakaiyak ko ng 3 months.bumalik ako trabaho.at nagipon kit papano.tas binudget gang until now.naghihintay na makaraos na kami ni baby para makabalik agad trabaho...sana all masayang inienjoy ang mga gamit na bago ng first baby. ..sana next baby ko.sa tamang ama na.at sana di maranasan yung mga paghihirap ng unang baby ko..

150 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

OKAY LANG PO YAN KAHIT NAPAGLUMAAN NA.. AKO MAS BET KO YUN KASI MAS NAKAKATIPID AKO.. LALO NA WALA NA AKONG PARENTS NA AAGAPAY DIN SA AKIN AT FIRST TIME MOM DIN AKO AND HINDI GANUN KALAKIHAN ANG SWELDO NG ASAWA KO.. THANKS GOD NGA KASI YUNG 14 PAIRS NG DAMIT NG BABY KO GALING SA BOSS KO.. BINILI NIYA.. TAPOS 3 PAIRS NA BABY DRESS BINILI DIN NG BOSS KO.. TAPOS 1 PAIR NA BIGAY DITO SA AMIN NG MAYORA NAMIN.. TAPOS THE REST NG GAMIT NI BABY LIKE KUNA,, HIGAAN NI BABY,, MOSQUITO NET,, BRUSH PANLINIS NG BOTTLE,, BOTTLE,, AT MAY IBA PA.. LAHAT BIGAY NG KAPATID KO.. TAPOS KAHAPON BINILHAN NG KAPATID KO NG STROLLER.. ALAM MO SA TUTUUSIN I ILANG GAMIT AT DAMIT PALANG NA BIBILI KO SA BABY KO.. AND NAG PAPA SALAMAT TALAGA AKO SA DIYOS DAHIL MARAMI SIYANG GINAGAMIT NA TAO PARA TULUNGAN AKO.. KASI SOBRANG HIRAP TALAGA NG BUHAY NGAYUN.. MAGING MASAYA KA PO MOMMY KUNG ANU MERON KA NGAYUN.. SOON MABIBIGAY MO DIN ANG GUSTO MO PARA SA ANAK MO..

Magbasa pa

Wag mo na isipin kung bago or luma ang gamit nga anak mo momshie kasi ang importante healthy si baby at may savings ka. Single mom ako. Dalawa anak ko at magkaiba tatay nila. Ginusto ko din ung gusto mo na sana sa susunod kong anak kaya ko na maka afford at tama na ung lalaki. Tama na ung lalaki, kaso medjo struggling pa kame kasi la kaming ipon. Lahat ng damit ng anak ko puros pamana lang ng mga pinsan nya pero hindi kami malungkot kasi mas nakatulong nga yun samen eh. Ung pera na ipangbibili namen ng damit ginamit nlang namen para sa mga importanteng bagay tulad ng diaper, gatas, mga bote etc. Buti sana kung magagamit sa ihi at poop ung bago ng damit diba? Haha Sa panahon ngayon be practical. Maging masaya sa anong binigay sayo kasi at least nakatulong pa yan sayo di gumastos. Ung ginamit mong pang gastos mas mabuti pang ipunin mo para sa future nyo ni baby.

Magbasa pa

Ok lang yan momsh, ako mlpit na manganak (34wks) konti plang gmit ng 1st baby ko at galing pa sa mga pinaglumaan ng baby ng mga friends ko at mga donasyon, cmula kc nbuntis ako nd n ko nkpagtrbho dhil sobrang selan at baba ng matres ko di ako pinayagan ng OB ko mgwork, ang msklap ung partner ko npkabatugan at sakin lng din umaasa, di ako nauubusan ng iyak hnggng ngaun at pkirmdm ko mlpit n ko mbaliw kakaicp kung pano p kmi mbubuhay lalo n ang baby ko dhil lubog n lubog n ko s utang at ako lng gumgwa ng praan pra maitawid ang gutom s arw2. :'( ang swerte mo momsh dhil ikaw ay nklaya n s boyfrend mo, ako my partner nga pero d nmn mkatulong. Daig pa ptabaing baboy lahat sa akin nkaasa ultimo pang yosi at pang inom. Haizt! Nagdadasal ako n sna mklaya n ko s knya. Be strong lng po momsh at lgi mgpray, mkkraos din tayo..

Magbasa pa

dont be sad mom..di lang namn ikaw nkk gamit ng pinag lumaan ng pamangkin mo..ako sa sa dalawang anak ko never ako nakabili ng bgo mostly mga bigay at galing s kamag anak..bumili nalang po aq mga 3 months n cla like sando short brief..at ngaung pregnant po ako sa pangatlo ko d nrin po aq bumili binigyan nlang din ako ng tita ko galing sa apo niya ang binili ko nlang po lampin mga gagamitin ko s panganganak bath tub and etc.but lik e baru baruan hindi n po aq bumili kc sayang lang din po kc mabilis lang po nilang mapag liliitan..sa panahon po kc ngaun kelangan po wise tyo lalo n pag dating sa pag babudget.😊bilhin ntin ang mas importante at mas mpapa kinabangan🤗🤗wag po kyo mag worry mommy bka m stress lng po kyo..

Magbasa pa

hi mamsh naku wag ka mainggit sa mga bago ang gamit ng baby... sa totoo lang ang need mo lang tlga na bago is ung newborn tlga ung side ties ganun kc sensitive pa skin ng baby nag aadjust pa sya.. 😊 kmi nga kht meron pambili ng mga bagong gamit since first baby eh nag preloved pa rin kami for the reason na mabilis kc lumaki ang baby nakakapanghinayang pag d na nya magamit.. mas okay mag invest mamsh sa supplement mo pag breast feed ka para d sakitin c baby, or formula milk pag tlgang hirap mag latch.. 😊 kaya if my mga naipasa sayo be thankful pa rin kaysa wala.. at least d ka na gumastos.. saka ka na buy mga bago pag madali na mamonitor growth ni baby un bang alam mong magagamit nya until 3 or 4 yrs old. Godbless

Magbasa pa

May asawa ako at maganda ang sweldo pero hindi talaga kami nabili ng bagong damit ni baby. Kasi katwiran namin mag asawa, ang bilis lumaki ng baby kay sayang din kung bibili kami ng marami tapos ilang buwan nya lang magagamit. Alam mo mommy ang saya saya ko nga eh nung binigyan ako ng kapatid ko ng mga pang new born na damit, isang bag yun. Sobrang excited akong labhan at super saya ko talaga kasi na cucute-an ako sa mga damit ng baby ko, completo form head to toe kaya wala na akong bibilhin, mga diaper nalang tsaka ibang gagamitin nya pag nailabas ko na siya. Wag po kayong ma down sa kalagayan nyo, dapat nga matuwa kayo kasi wala na kayong bibilhin eh yung pambili nyo, i save nyo na lang para sa future.

Magbasa pa
VIP Member

Ok lng yan , huwag kng mainggit sa knila , ang mahalaga meron parin sya . Mas maganda rin ung ganun , alam mo kung bakit kalalakihan ng anak mo ang ganyang ugali , mas magnda sa bata ang hindi maluho ,ung kung anong meron kahit bigay lng magigung masaya sya . Pero shempre alam namn natin iba rin kung bago ang gamit nila , hindi namn importante un , ang importante anjn ka.para sa knya walang bago at walang luma ☺ saka sa tutuusin nga mas.gusto ko bigay lng gamit ng anak ko para di kami gumastos at itabi nlng . Kaso puro malalaki na pinsan at kapatid ko kaya walang nabigay . Baliktad namn tayu sis 😂 naiinggit ako sa mga binibigyan AHAHAHA

Magbasa pa

Laban lang momsh.. Ako nga naipamigay ko na mga gamit ng baby ko 10 years ago pa yon,tas ngayon eto buntis sa 2nd baby namin 28 weeks na.. Ngayon nahihiya ako humingi kaya eto paunti-unti nakakabili.. Sabi nga ni hubby sana tinago ko na lang daw mga gamit ni baby,pero sabi ko sa kanya kawawa kasi yong mga humihingi noon kaya binigay ko na lang,tas yong iba naibemta ko kasi nangangailangan talaga sila at makamura pa.. Ang natira lang talaga sakin yong dalawang frogsuits, isang hooded towel, at buti na lang hindi ko naibenta yong carrier at stroller kaya makaka-save pa ako.. Ok nga sayo momsh kasi may nagbibigay pa sayo mga gamit ng baby..

Magbasa pa

Ok lang yan mommy. 1st time mom din ako kami ng husband ko parehas regular ang trabaho namin kahit pandemic pero almost lahat ng gamit ng baby namin is 2nd hand.mga damit,crib, kahit nga breast pump ko.sobrang saya ko nga na may handdoen clothes sila(kase tipid)hehe dahil na rin sa pandemic cguro kaya nagtitipid kmi. Mas pinili namin isave yung pera in case of emergency. Txaka mabilis lng din maliliitan ni bby yung gamit niya. Kaya imbes na bago bilhin mo isave mo na lng muna kase pag lakilaki niya atleast dun ka bumili ng mga gamit na mas matagal niyang mapakikinabangan ☺️

Magbasa pa

Mommy okay lang po ma-sad paminsan minsan pero ito lang masasabi ko sayo. I'm proud of you!! Kaunti lang yung tulad mong ganyang katapang sa buhay. Bale always remember that you should also be proud of yourself, kahit si baby someday he'll tell straight right to your face na sobrang swerte niya na naging mommy ka niya!! Again mommy, okay lang manghina paminsan minsan pero tandaan mo, malakas ka and kaya mo lahat para sayo saka sa baby mo. Kaya cheer up na mommy, always take care of yourself din po. Importante din po tayong mga mommy, hindi lang lahat about kay baby!

Magbasa pa