Buhay Nanay

Buhay Nanay Pagmulat pa lang sa umaga, abala na ang aking pag iisip sa mga gagawin sa buong araw. Ninanamnam ang konting sandaling katahimikan ngunit alam kong ito'y hindi magtatagal, dahil sa ilang saglit muling iingay ang paligid sa pag-uusap, pagtawa at pag iyak ng mga bata, ito na ang nagsilbing musika sa aking pandinig sa bawat araw. Mga gawaing tila walang katapusan...paghahanda para sa pagpasok sa eskwela ng mga bata, pagtuturo sa kanilang aralin, paglalaba, pamamalengke, pagluluto, paghuhugas ng mga plato, pagpapadede, pagpapatulog...isama pa dyan ang pagdidisiplina, pagtuturo ng tama...hay, teka ako'y hihinga muna. Ako'y napapagod din sa ganitong takbo ng buhay, minsan nais kong ako'y mapag isa, mag relax, at namnamin ang mga bagay na parang matagal ko ng hindi nagagawa; gumala sa mall, mag ukay-ukay, kumain sa paboritong fast food chain ng wala munang iniisip na mga bata, walang hinahabol na oras at walang mag tetext na asawa para tanungin, "saan ka na?". Sa kabila ng kaabalahan, kapaguran at hindi magawang mga nais, ako'y hindi nagsisisi, bagkus ako'y nagpapasalamat sa Panginoon na ako'y naging ina at pinagkatiwalaan Niya ng 3 anak. Ito'y konting panahon lang at lilipas din yung lagi silang nakadikit sa iyo, laging tumatawag ng "mama", kung saan sa iyo umiikot ang mundo nila. Pagkalipas ng ilang taon lalaki din sila at magkakaroon ng sariling pag iisip, kaya habang sila'y bata pa, itotodo ko na ang aking pagka-ina at gagawin ang lahat ng makakaya para sa kanila. ------------------------ Mother Life The moment I wake up in the morning, my mind already gets busy on the things that I will be doing for the whole day, enjoying the short quietness, but I know it will not take long, because after a short while, my surrounding will be noisy again with talks, laughter and cries of our kids, these became music to my ears daily. The work that seems never ending...preparing the kids going to school, teaching them their lessons, washing clothes, going to the market, cooking, washing plates, breastfeeding, putting the baby to sleep, add to it the disciplining and teaching good values to them...sigh, wait let me breath first. I also get tired in this kind of life, sometimes I just want to be alone, to be relax, and to savor the things that I haven't done for a long time; going to the mall, buy clothes in second hand stores, eat in my favorite fast food chain and not thinking of the kids, no time to chase and no texting from my husband asking, "where are you now"? In spite of busyness, tiredness and was not able to do what I like, I don't regret it, but I am thankful to God that I became a mother and He had entrusted us 3 kids. This is just for a season, it will not last long where they always wanted to be beside you, where they always call you "mama", where their world is you. After a few years they will grow up, they will have their own choices, that is why I will make the most of it as their mother and will try to do my best for them. #myjourneythoughts #buhaynanay #3kidsjourney #journeyunbound

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles