milk
Breastfeed or formula? Parang mas lumulusog kasi sa formula.

BREAST IS BEST. Hindi porket mataba eh healthy na. Diba nga sa matanda pag mataba meaning daming unnecessary fats stored na nagco-cause ng sakit.. di po naiiba sa bata. Ang fats gustong gusto yan ng bacteria. Kaya wag pls tanggalin napo natin ang stigma na pag matabang bata eh healthy. Ang breastmilk may fats din yan, may babies na nataba din dyan pero ung soluble fats po, meaning na-absorb o nadidigest ng bata. Unlike sa formula na mahirap madigest minsan insoluble pa. Kaya nga mas prone to constipation ang formula fed babies compare sa BF babies. Pag di napupu ng ilang araw ang BF baby di ka magwoworry kasi ibig sabihin lang naabsorb ng katawan nya lahat. Pag FM baby, dapat abangan mo araw araw magpupu yan kasi processed na eh. Plus BM has all the antibodies the baby needs. Nagbabago ang antibodies na binibigay depende sa kailangan ng bata. Kaya ba gawin ng formula un? Hindi diba? Kasi fixed lang ang contents niya. All the points I stated above are based on research and my own experience from my two children. Panganay ko kasi FM fed and 2nd is pure BF. Laking difference talaga pagdating sa health nila. Kaya pati panganay ko ngayon pinapainom ko BM kahit 7y.o na sya. Kasi nakita ko protection na binibigay sakanila. Di na inaatake ng asthma panganay ko simula nun binigyan ko sya. Since 6months old niya labas masok na sa ospital yan kasi weak lungs sya. Ngayon, gang sipon sipon nalang sya. Pareho na sila mag ading na lakas resistensya. Pagnilayan mo po maigi mommy. MALUSOG DOES NOT EQUALIZE TO BEING HEALTHY.
Magbasa pa

