31 Replies
BREAST IS BEST. Hindi porket mataba eh healthy na. Diba nga sa matanda pag mataba meaning daming unnecessary fats stored na nagco-cause ng sakit.. di po naiiba sa bata. Ang fats gustong gusto yan ng bacteria. Kaya wag pls tanggalin napo natin ang stigma na pag matabang bata eh healthy. Ang breastmilk may fats din yan, may babies na nataba din dyan pero ung soluble fats po, meaning na-absorb o nadidigest ng bata. Unlike sa formula na mahirap madigest minsan insoluble pa. Kaya nga mas prone to constipation ang formula fed babies compare sa BF babies. Pag di napupu ng ilang araw ang BF baby di ka magwoworry kasi ibig sabihin lang naabsorb ng katawan nya lahat. Pag FM baby, dapat abangan mo araw araw magpupu yan kasi processed na eh. Plus BM has all the antibodies the baby needs. Nagbabago ang antibodies na binibigay depende sa kailangan ng bata. Kaya ba gawin ng formula un? Hindi diba? Kasi fixed lang ang contents niya. All the points I stated above are based on research and my own experience from my two children. Panganay ko kasi FM fed and 2nd is pure BF. Laking difference talaga pagdating sa health nila. Kaya pati panganay ko ngayon pinapainom ko BM kahit 7y.o na sya. Kasi nakita ko protection na binibigay sakanila. Di na inaatake ng asthma panganay ko simula nun binigyan ko sya. Since 6months old niya labas masok na sa ospital yan kasi weak lungs sya. Ngayon, gang sipon sipon nalang sya. Pareho na sila mag ading na lakas resistensya. Pagnilayan mo po maigi mommy. MALUSOG DOES NOT EQUALIZE TO BEING HEALTHY.
Breastmilk po based sa experience ko po very healthy baby ko..turning 2yrs old na..bilang sa daliri kung ilang beses plang nagkasakit saka bilis makarecover example inubo or sipon..3days lang ok na ok na ulit sya..samantalang ako almost 2weeks ubo at sipon ko..saka never po sya niresetahan ng vitamins ng pedia nya kasi mas healthy pa daw breastmilk kesa sa vits na irereseta nya..hihi.. just sharing our experiences po 😊
Breastmilk po pero mamsh ang importante FED baby. Ako po nag start ng mix feeding dahil late lumabas gatas ko. Hindi ako pumayag na magutom baby ko. Pero when my milk came tuloy tuloy na po breastfeeding. It adjusts to your baby's needs. Yung antibodies po naturally na pproduce unlike sa formula. Malusog po baby ko ♥️
Sa akin mixed c baby.. Nan Opti saka breasmilk mas marami pdin breastfeed kesa formula. Formula madalas sa gabi lang para dire diretso tulog at di ako gaano puyat, pero mas gusto ko breastfeed pdin kase mas healthy at iba pdin bonding ng mommy at baby pag nagpapadede.
Nakakataba ang formula, but katabaan doesnt mean malusog. Kung kaya magpabreastfeed do it. Ang daming gustong magpabreastfeed yet di nabiyayaan ng golden milk. If you have it, dont waste it, bigay mo sa anak mo. Laking tipid, healthy pa.
Try mo muna magBreastfeed mumsh kasi proven talaga na best for babies bec of nutrients na nakukuha sa golden milk from the mother
Tumataba pero hindi pure na healthy. Sa breastfeed, mabagal ang gain ng weight pero malakas panlaban sa mga viral infections.
Breastfeed mas healthy. Anak kong panganay mamahalin pa nahiyang na fm pero mas sakitin kaysa pangalawa na ebf for 1 year.
Breastfeed. mahirap sya sa umpisa pero napakafulfilling na pakiramdam. Breastfeeding to my 2 month old since day 1.
Breastfeeding is the best for babies kung ako mbibigyan ng supply ng milk sa Dede i will go for breastfeeding.
Anonymous