He should set his priorities straight kasi mabilis lumaki ang bata. Kawawa naman yung baby niyo and he/she doesn't deserve na ganyan yung setup. Parang single mother yung dating mo niyan. 😑 Hindi po reason na may obligation pa siya sa parents niya kaya ayaw niya pa magpakasal pano obligation niya sainyo ni baby? Sana man lang maglive in muna kayo para sana may magisnang buong family yung baby niyo. Okay naman yung relationship niyo di ba? I mean, di kayo nagaaway or cold na to each other di ba? I find it odd na natitiis niya na mawalay sa inyong magina and kitain lang kayo every two weeks kung okay naman relationship niyo. Talk to him na mommy for the sake of your baby na din. Kayo na dapat priority niya. Ang unfair mommy, sorry pero it's really not fair to you and your little angel. 😞 Anyway, I hope makausap mo siya about this matter and sana marealize niya na mali na yung ginagawa niya, baka one day magising nalang siya di na niya mapalapit yung anak niyo sakanya. That'll be tragic. Pray for strength and guidance. Kaya mo yan 🙏
Sis, red flag yung hindi sya nagpapakita ng interes pag kasal paguusapan at laging parents ang nirereason. I know na may obligation pa din tayo sa mga magulang natin but it doesn't stop when we get married. Nung bago kami magpakasal ng hubby ko, we talked about this too kasi parehas kami na sumusuporta sa magulang (financially) that time. So we compromised na tutulong pa din pero our outmost priority should be each other kasi by the time na kinasal kami ay wala pa kaming anak. So kahit na mag asawa na kami, we see to it na nandito pa din kami para sa mga magulang namin but ang priority namin ay ang isat isa. Also, sana yung magulang ng bf mo ay considerate enough para itulak nila yung bf mo na magpaka ama at asawa sa iyo. Kaso parang ok lang sa kanila yung ganyang setup nyo e. Sana mag initiate sila magpayo sa anak nila na tumayo at panindigan ang binuo ninyong pamilya.
need pa ng parents? O Sadyang di nya kayang manindigan? Haaaayyy nakakatawa yung mga palusot na ganyan sis. Sabi mo nga everytime na magiging topic yung kasal & settle down walang interes? wala syang balak na magbago yung set up sis. SORRY sa hard words dun lang tayo sa reality int he first place may anak na kayo somehow dapat naiisip na nya na "yung mag ina ko kailangan ko din sila makasama" yung sa parents kung gugustuhin nya? merong paraan di nya lang ginagawa kasi hanggang dyan lang yung kaya nyang ibigay.
I think it's not a good idea na ganyan ang set up po ninyo. Usually after magkababy dapat focus na siya sa inyo dapat po kayo ang maging top priority po ninyo. Regardless kung magpakasal po kayo or hindi mas maganda po kasing lumaki si baby na magkasama kayo.
Sis, mahirap yung ganyan, yung asawa ko nung nabuntis nya ko gusto na kasal na kami agad kahit tinutulungan nya pa family nya. Good provider din sya samin, dapat tapatin mo na sya, kasi ano naman kung tinutulungan nya pa family nya, ganon naman talaga.
momshie..may mga partner talaga Hindi pa ramdam pagappakasal. importante ok pagsasama nyo. time will come yayayain kana nyan. pray to god
Anonymous