28 Replies

Advice po sis as healthcare worker po, If recommended ni Ob mo, use it around 4-5months po or yung malaki na talaga tyan mo para kahit pano madistinguish mo nasan si baby.. not 3months.po. maliit pa si baby ng 11weeks. transV nga po ang ginagamit namin pag nasa 11weeks pa lang actually. or if susubukan talagang nadidiinan pa sa puson yung doppler wand para lang hanapin talaga kasi nakasiksik talaga sa sa ilalim pa pag ganyang weeks... if not recommended ni OB mo magfetal doppler sa bahay, better na wag na po muna magtry kasi magiging worried ka at kakabahan ka lang lalo like ngayon na nangyayari sayo.. Trained ako gumamit nyan pero kahit ako aminado po minsan di ko nahahanap ang heartbeat ni baby lalo kung may pagkamaliit pa po.. need nyo po kasi hanapin lalo kung nakasiksik sa ilalim. alamin san mismo location ni baby, at ano yung maririnig talaga. better go sa mga check ups mo sa Ob, si OB mo ang gagawa ng doppler check for you. by 4-5months mafifeel mo na ang mga galaa ng baby mo, rely po sa kick counts everyday.. iwasan po magisip ng mga negative, para di po magworry ng magworry, nakaksama po kasi yun sa pagbubuntis. kung nagpapacheck up ka naman ng regular at sa ultrasound mo at check up okay lahat, then good po yun. Magpray din po lagi.. Godbless.

Ako din miiee 3 months trans v ginawa sakin mas nakakampante Po pag tran v muna Kasi Makikita lahat don Yung placenta mo kung ayos ba Saka Yung Tayo Ng Bata Saka rinig na rinig heartbeat don

may sarili din akong fetal doppler sa bahay at ang nakalagay sa recommended doon ay 16weeks madedetect ang hb pero sa akin 10weeks palang detected na, 6months na tyan ko ngayon, reason bakit maaga ko narinig ang hb kasi nasa unahan ng tyan ko si baby tapos breech position sya. kadalasan kasi placenta ang nasa may harap ng tyan nasa bandang likod ang baby, ang akin nasa harap si baby kaya madali lang nadedetect. 1. check the manual of your doppler, may proper positions po ang pagdetect ng hb. 2. iikot ikot mo yung pinaka pandiin sa tyan, minsan nadedetect ng bandang gilid lang minsan mas malakas pa nga. 3. wag masyado mag rely kay home doppler kasi hindi sya talaga recommended ng experts since hindi naman tayo knowledgeable talaga sa paggamit, may chance tayong magkamali ng pagdetect. 4. relax kalang mommy, lagi mo lang kausapin si baby at ipagpray.

I think Mali lang din Pag gamit mo mommy and Isa pa at 11weeks kasi mahirap pa yan makuha ang fetal heart rate at ang ginagamit ng mga nasa hospital ay mas sensitive ang fetal Doppler kumpara sa mga nabibili natin sa online.. yung sa online kasi mas maganda gamitin kung medyo malaki na si baby.. if in doubt pa rin po any time naman pwede ka ulit magpa consult Kay OB.. dalhin mo nalang din yan Doppler mo para ma instruction ka din ni OB ng Tamang Pag gamit niyan -mommynursehere

nagbili dn po aq doppler,kanina lang dumating,din nag try dn po aq since 15 weeks na din tiyan q,sa baba po ng puso q mga 2 inches pababa po doon q nakapa ang heartbeat,ang bilis ng heartbeat at malakas,minsan hnd q matimingan ang lakas niya medyo mahina lang siya,pero nung nakapa q ang malakas tlga nakakatuwa siya,first time q po kasi magkababy

9 weeka ako nung bumili akong doppler, 11 weeks yata un nung first ko narinig heartbeat ni baby medyo dtp steady lang tapos sa manual may area kng saan mo itatapat, medyo iikot mo ung mismong detector prng ibaibang side ba. Then baka malito ka kasi minsan maririnig mo dn heartbeat mo, ung heartbeat ni baby mas mabilis prng tumatakbong horse hehe

Wala ka tlga pa marrinig jan kse masyado pa maliit c baby. Usually maggamit mo ito pag mejo malaki na ung tyan mo or pag 4-5mos. Kna not unless hospital quality ung binili mong doppler na can detech even on 1st trimester.

first time mommy ako, kaya kapag d ko nararamdaman si baby nagpapacheck kagad ako sa hubby ko gamit ang doppler. Para malaman po kung ung heartbeat ni baby ang nakukuha mo, you can check and compare ung pulse mo sa wrist.

13weeks yung tummy ko ng na detect sya ng doppler mommy . Ganun din ako paranoid naka dalawang doppler na ako sa sobrang paranoid haha. Once a day ko lang dn gnagamit every morning to check na okay heartbeat ni baby

sa clinic hindi ka pa kukunan ng fhb kng 11weeks ka pa lang. wait ka pa hanggang 13-14weeks para icheck ang heartbeat ni baby. ang sa early weeks usually nasa baba ng pusod ang location nya kaya dun mo icheck.

Baka po dahil maliit pa po yung fetus kaya di pa nadidinig masyado. Better po if wait nyo nalang muna advise ni OB if kailan next ultrasound para di po kayo nagwoworry, it may affect din kasi your health. :)

Trending na Tanong

Related Articles