Share ko lang experience ko nung manganak ako..

Before ako manganak..39w/3days ako nung mangananak.. 2 days ako nag gala.. nag punta ako ng mall for 2 days kc nbbored ako sa bahay.. ako lng mag isa.. then nung gabi na..mga 10pm.. para akong natatae..? nag cr muna ako tapos dumating ung asawa ko ng 10:30pm natatae na naman ako.. ?? sbi ko ano ba to nag tatae ata ako.. nag 11pm na ng gabi pblik blik ako ng cr hanggang sa wala na kong mailabas.. wla na kong poop na ilalabas.. nailabas ko na ata lahat ng nakain ko kakaire.. ? then nraramdaman ko na ung sakit nwawala tas babalik..sbi ko manganganak na ata ako.. 12pm naligo na ko.. kc halos hndi na nwawala ung sakit.. nag pahinga pa ko hanggang 2:30am na.. ung skit hndi ko na maintndhan.. then nag decide na ko na pmunta na kmi ng asawa ko sa lying in 3:00 kmi dumating sa lying in.. in ie agad ako kc sbi ko sumasakit na sya.. 4cm na pala ako.. cguro nag bukas agad ung cervix ko kc natagtag talaga ako sa lakad ko nung gumala ako.. mghapon ako sa mall puro lakad.. ? phinga saglit lng.. nung in ie ako wala na pala akong panubigan.. hndi ko alam na pmutok na pala.. tnatanong ako ng dr. ko kung kelan ako parang naihibng marami.. hndi ko alam kc panay cr ako at panay ihi.. mejo natakot ako kc baka delikado na maubusan ng tubig sa loob si baby.. pero wala naman cnbi dr. ko na masama cguro para hndi ako mag panic..thanks God pa din.. ito na..nag lalabor na ko.. grabe na ung sakit nya .. ? palakad lakad ako upo tayo.. ung bakal sa gilid ng higaan ko feeling ko kaya kong baluktutin dahil sa nraramdaman kong sakit.. ? hanggang sa mag 8am na ng umaga.. ang tindi na ng sakit.. pinahiga na ko sa kama.. at 8cm na ko ang ginawa ko kada hilab.. sinasabayan ko ng ire.. ? hanggang sa malapit na syang lumabas.. natatanaw na nila sa loob ung ulo ng baby ko.. grabe talaga ung sakit.. habang nararamdaman ko un.. panay ako dasal kay God na sana po gabayan nyu ako pati si baby at mairaos nmin ng maayos to.. 9:58 binonggahan ko ng ire.. ayun.. lumabas si Baby.. Ganun pala pag manganganak na.. ?? LAHAT NG SAKIT NA NARAMDAMAN KO.. BIGLANG NAWALA NUNG NKITA KO SYA.. kaya sa mga malapit na manganak dyan.. Pray lng po kau kay God.. then lakasan nyu po loob nyu para sa mga baby nyu.. makakaraos din po kau.. ? .. Thank you and Godbless po satin mga mommies.. ??

2 Replies

Truth! Naka relate ako sa post mo mommy. Yung naging close na kami ng bakod ng bed dahil sa kanya lang ako kumakapit bawat hilab. At yung nawala lahat ng sakit nung makita mo na si baby. Naalala ko tuloy ung pinagdaanan ko na parang kahapon lang. Haha. 🤗

hahahah.. trueee mommy.. 😂kala ko tapos na un.. natakot pa ko mag cr nun kinbukasan kc bka bumuka ung tahi ko sa pempem.. 😂 skit din mg wiwi.. 😂pero after a week ok na.. 😊

Congrats momsh !

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles