Lying in

Bawal napo ba talaga sa lying in manganak pag first baby?

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pwede po peru doctor mgpapaanak sayo mag aassist lang ang midwife..like sakin nag inquire nko sa lying in since ang private OB ko sya din ang OB ng lying in so sabi sakin ng midwife pag manganganak nko tatawagan lng nila yong OB ko kc di sila pd mgpaanak sakin dahil my bagong memo na ang DOH pg first baby dapt doctor talaga mgpaanak sayo

Magbasa pa

Sinabi rin po sakin ng OB nagissue daw po ang DOH ngayong Jan 2020 na hindi na daw po pwede yung 1st baby sa lying in. Dapat daw po hospital. Nagtanong naman po ako sa ibang lying in pwede naman daw po. Kaso advisable parin sa hosp kasi if ever hindi pala kaya maghahanap ka pa ng ambulance para maitransfer ka. Hassle and nakakatakot mastandby.

Magbasa pa
3y ago

true 😔

Ang alam ko po nag baba na po ng memo regarding dyan na pag first baby hospital,pero my mga lying in parin naman po nagpapaanak padin kahit sinabihan na sila,if gusto mo talaga lying in hanap ka madami dyan,pero kung safety and para sure sa hospital.

wag po natin ipagsapalaran ang ating mga anak lalo kung first baby iba iba po ang mga babae hndi po lahat kakayanin ang normal delivery . my mga case din kc na maliit ang sipit sipitan , cord coil o pumulupot n pusod kya hndi mkababa ang baby ..

VIP Member

Depende po, may waiver po sila doon. Bali kausapin nyo muna ang lying in. Delikado kasi ang hospital ngayon e. Kaya mas maganda muna manganak sa lying in. Iwas ibang sakit. Correct me nalang po kung may mali. Suggestion lang

Magbasa pa
2y ago

kaya nga Yan Ang mahirap sa hospital kaya Ako gusto ko sa lying in nlang Ako mnganak malapit na sa Nov na Po☺️

nagkaron po ng cord coil ang baby q ng hindi nila nalalaman hndi rin ito madalas nkikita sa ultrasound huli na bago nila ako pinadala sa hospital n dahilan pra mamatay ang aking baby

Pwde naman po, bast kaya mo po and depende po sa lying in kung tatanggap sila. Kung sa public lying in ata di sila tumatanggap ng FTM lalo na kung 19 years old and below.

5y ago

First time nya so hindi nya malalaman kung kaya ba o hindi.

Hanap ka ng lying inn na pwede, meron pa rin naman kahit ftm, basta OB ang magpapa anak sayo at hindi ka high risk pregnancy. Cocover din sya ng philhealth.

5y ago

Thank you po

payo ko lang po sa lahat mas mabuti po sa hospital na kayo manganak kung first baby naranasan ko po mawalan ng anak ng dahil po sa kakulangan nila

VIP Member

Depende po pag normal nman po si baby pwede po manganak mga bawal po manganak sa knila cs at high blood or may sakit sa puso