Asking kasi super curious na ako.

Bawal ba talaga umupo ang buntis sa harap o tapat ng pinto ? Napakainit ba naman kanina sa pinto yung mahangin kaya don ako pumwesto sakto tumawag sa cp nanay ko tas nalaman niya na sa bandang pintuan ako nakaupo, nasabihan tuloy akong ang tanga tanga ko daw at sa bandang pintuan ako naupo πŸ€¦πŸ˜… BAWAL BA TALAGA YON?

28 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

No scientific basis therefore not true. Anong connect ng pagbubuntis sa pinto? Kulang nalang bawal lumabas ng pinto. Mga mi 2022 na, tigilan na natin kakapaniwala sa mga ganyan. Hirap na hirap kayong maniwala sa mga sinasabi ng mga ob nyo pero pag sinabi ng matanda na bawal ganito, paniwalang paniwala kayo. Mga matatanda dati naniniwala sa ganyan dahil wala naman silang means na makapagpa check up, kaya kung ano nalang maimbento nila nagsesettle sila sa ganon. Sige mi ask mo ulit sarili mo, ano possible connection ng pinto sa pagbubuntis? Diba wala?

Magbasa pa