1 month pregnant
Bat ganon sabi nila kapag buntis malakas kumain bat ako lahat nalang yata ng pagkain ayaw ko ?
ganyan din po ako nung preggy ako siguro kase pag kumakain ako sinusuka ko lang nagselan din ako sa pagkain yung paborito ko dati na tahong nandiri na ako nung buntis hahahaha pero pagdating ng 6 months hanggang 9 months matakaw na ako kumain lalo na ng sweets..
sa 1st trimester kasi naglilihi pa medyo ayaw natin sa amoy or lasa ng food pero pagdating ng 2nd trimester magugulat kana lang na para kang gutom kahit gusto mung kontrolin pagkain mo mahihirapan ka kasi dito tayo bumabawi sa 1st trimester natin.
Kpg nsa 3rd trimester kna.. Lalakas kna kumain.. Gnyan dn ako, mhina kumain nun una..ayaw na ayaw ko pa kumain tpos nun 3rd trimester na..sobrang lakas ko kumain kaya biglang lumaki dn yun tyan konat si baby
That's normal po. Dami ko din ayaw nung first trimester pa 😂 kain lng po ng veggies at fruits. Babalik din gana mo sa pagkain pag 2nd and 3rd trimester na. Lolobo ka nalang bigla 😂
Si misis nung first trimester ganyan. Di makakain, tapos ayaw ng mga amoy. Pero bumawi nung second trimester at third. Naku, makakain ng rice talo pa ko. Tapos ang hilig sa chocolates.
Iba iba po kasi ang tao mommy . Hindi lahat pareho ang paglilihi.. okay lang yan.. inom lang talaga vitamins para ok si baby may nutrients pa rin nakukuha..
Ganyan din ako nung mga unang buwan, pero pagtuntong ko ng 6 months hanggang ngayong 9 months, sobrang hilig ko ng kumain.
Usually during 1st trimester talaga nawawala ang appetite, don't worry pagdating ng 2nd trimester babalik ulit yan
That's normal. Wait till pumasok ka ng 2nd trimester. Biglang lobo ka dahil sa katakawan. Trust me.
Ako din wala akong gana kumain tapos minsan pagkumakain ako mayamaya esusuka ko