Normal po ba mag iba color ni baby?

Bakut po ganun umiitim po si baby and di namn po sya ganun nung nilabas ko nakakatanggap po tuloy sya ng salita na di maganda para saken na nanay nya. Kino compare po kase sya doon sa pinsan nya na kasunod lang halos nya na pumuti na at mataba.

Normal po ba mag iba color ni baby?
4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

iba2 Po Ang bawat Bata. not comparable at all. same sa anak ko mapula p rin sya, turning 2 months na, parehas kming maputi ni hubby nothing to worry at all qng parehas nmn kau maputi ang importante e healthy si baby. aq ho Hindi aq papayag na icompare ung anak ko sa iba, it's a no no for me. qng breastfeed Po then Hindi tlga tataba ng sobra kse brain development Ang unang target ng breastfeed to follow na ung pagtaba. just enjoy the phasing lng Po ni baby, within few months magugulat na lng Po kau na bigla syang laki, puti at taba. just enjoy mie at wag n lng pansinin ung sinasabi ng iba.

Magbasa pa

baby ko din po nagchange ng kulay after lumabas ng hospital. ang puti nya nun pero ngayon darker na skin nya. nagpapalit daw po kasi ang balat ang baby. yung matatanda po dito sa amin sabi pahiran ng cotton na may breastmilk every morning , babad onti bago ligo to treat baby acne , then after a month naman punas naman ng baby oil para makatulong magexfoliate (make sure lang na mabanlawan ng maayos pag ligo) . ☺️☺️☺️

Magbasa pa
Super Mum

Depende po yan sa genes niyo po mag asawa mommy.. wag ka mag alala mommy.. ganyan din po si baby ko.. pero pumuti din naman po nung lumaki siya.. medyo umitim po siya dahil kailangan po pinapaarawan siya😊 wag niyo na lang din po intindihin sinasabi nila mommy.. ang cute cute nga po ni baby😊

Post reply image
2y ago

yun nga po. parehas po kase kame maputi nung asawa ko tapos pag napunta kame sa bahay ng byenan ko mapa lalaki o babae kung ano ano sinasabi nila. gatas daw yung isa tapos kape yung akin. tapos dun sa isa nognog daw yung anak ko kaya di masyado napapansin yung anak ko which is masakit para saken kase ginawa ko lahat ng best ko para sa kanya tapos gaganunin lang sya

kung both parents o isa sa parent ang di maputi pwede un mamana ni baby.. baby ko din maitim naman nung nilabas ko ngayong ika 3 buwan nya namumusyaw na..maputi ako pero husband ko is hindi di naman ako mgtataka kung di puputi anak namen since meron naman tlgang cause kung bkit di sya maputi

2y ago

maputi po kame both. And kung wala po akong natatanggap na kahit anong masakit na salita okay lang po yun. kaso po kase nasasaktan ako bilang nanay nya kase baby palang sya ganun na

Related Articles