3 Replies

 Makakuha ng parenting tips daily sa isang tap!      4.9/5 Download   PAGIGING MAGULANG EDAD AT YUGTO PAGPAPALAKI NG ANAK KALUSUGAN EDUKASYON LIFESTYLE COVID-19 PRESS ROOM TAP RECOMMENDS SHOPPING  10 dahilan kung bakit umiiyak si baby at kung paano siya mapapatahan Share :      Narito rin ang mga palatandaan na ang pag-iyak ng sanggol ay maaring dahil sa seryosong kondisyon at dapat na siyang dalhin sa doktor. Advertisement Bilang bagong ina, hindi pa natin kabisado ang mga moods at mga kailangan ng ating baby. Sabi nga nila, hindi naman ipinanganak ang bata ng may set of instructions kung paano ito alagaan. Isa sa mga pangunahing alalahanin ng magulang ay kung bakit umiiyak ang baby. Karaniwan na sinasabi na tatlo lang ang dahilan ng pag-iyak ng sanggol: gutom, puno na ang diaper at inaantok. Ngunit alam niyo ba na may iba pang mga dahilan kung bakit hindi mapatahan ang iyong little one? Basahin kung anu-ano ang mga ito at alamin kung paano siya mapapatahan. Malalaman sa artikulong ito ang mga sumusunod: Mga dahilan kung bakit umiiyak ang sanggol. Maaring gawin upang siya ay mapatahan sa pag-iyak.  Baby photo created by pch.vector - www.freepik.com  Mga dahilan kung bakit umiiyak ang baby Ayon sa mga health experts, maliban sa pagsuso at pagtulog, ang pag-iyak ang isa sa tatlong pangunahing ginagawa ng bagong silang na sanggol. Dahil hindi pa nakakapagsalita, ito ang paraan nila upang masabi ang kanilang nararamdaman at kailangan. At ito ay kanilang ginagawa ng tatlong oras o higit pa kada araw ng dahil sa iba’t-ibang dahilan. Kaya naman dapat bilang isang magulang ay malaman mo ang mga dahilan na ito kung bakit umiiyak ang baby mo at ang mga maari mong gawin upang siya ay mapatahan. Advertisement 1. Gutom Ang mga sanggol lalo na sa unang tatlong buwan ng kanilang buhay ay kailangang sumuso ng kada dalawang oras sa araw-araw. Kaya naman kung lumipas na ang dalawang oras matapos ang huling pagsuso ng isang sanggol at siya ay umiyak, mataas ang posibilidad na ito ay dahil gutom na siya. Isang pahiwatig na gutom siya ay kung ang tunog ng kaniyang pag-iyak ay biglang tataas o bababa. Ayon sa obserbasyon, ang tunog ng iyak ng gutom na baby ay "neh." At kung ang kaniyang dila ay palabas-palabas habang ang kaniyang leeg ay palinga-linga na naghahanap ng masususo niya. Isa pang palatandaan na siya ay gutom na ay sa tuwing sinisipsip niya kamao niya o fist. Para patahanin ang sanggol, ay pasusuin o padedehin siya. Maari rin siyang bigyan ng maari niyang masipsip tulad ng pacifier na magbibigay comfort sa kaniya. Advertisement 2. Labis na pagod o pagkaantok Isa pang dahilan kung bakit umiiyak ang sanggol ay dahil sa inaantok o pagod na siya. Pero hindi tulad nating matatanda na mabilis na makakatulog sa oras na tayo ay inaantok na, ang mga sanggol ay magiging irritable o mag-iiyak pa. Ito ay dahil ang pagtulog ay isang skill na kailangan pa nilang matutunan sa tulong natin. Masasabing umiiyak ang sanggol dahil siya ay pagod o inaantok na sa tuwing nagiging mas irritable siya kahit sa maliliit na bagay. Bago ang pag-iyak ay mapapansin siyang tulala o nakatingin sa kawalan. At tahimik ng hindi tulad ng normal. Para mapatahan sila ay subukang ihele o kantahan ang sanggol. O kaya naman ay ibalot siya sa baby blanket na kung saan ang ulo at leeg niya lang ang nakalabas (swaddle) kung siya ay newborn pa lamang. (Hindi na ito puwede sa mas malalaking baby dahil maaring kumawala sila sa blanket at ma-suffocate.) Advertisement Maari rin siyang ilabas at ipasyal hanggang siya ay makatulog. Isa pang trick na maaring subukan ay ang ilagay siya sa car seat na kung saan ang vibration mula sa sasakyan ay magpapahele sa kaniya. 3. Basa o punong diaper Kung nag-iiyak si baby habang sinisipa ang kaniya paa, ito ay maaring dahil sa ang diapers niya ay basa o puno na. Kaya tingnan ito at agad na palitan. Dahil baka ito ang nagdudulot ng pagka-iritable sa kaniya at nagdulot na pala ng iritasyon sa kaniyang balat (diaper rash). LIST: 6 best baby wipes para kay baby STUDY: Allergy, maaaring maipasa ng nanay sa sanggol habang nagbubuntis LIST: 6 best baby bottle sterilizer brands na pasok sa budget mo! 4. Reflux Ang pag-iyak ng sanggol matapos ang pagsuso o pagdede ay maaring palatandaan na siya ay maaring may heartburn o acid reflux. Para mapatahan siya ay subukan siyang padigyahin. Gawin ito sa pamamagitan ng pagtapik sa kaniyang likod habang nakadapa sa iyong mga hita. O kaya naman ay ang pagkarga sa kaniya sa iyong kaliwang balikat ng patayo habang tinatapik ang kaniyang likod o minamasahe ito ng iyong mga daliri. Gawin ito mula sa kaniyang balakang pataas. Tandaan: kailangan marinig na malakas ang pagdighay ni baby. Hindi pa ito tunay na napapadighay kung walang tunog na lalabas mula sa kaniya.People photo created by jcomp - www.freepik.com  Colic o kabag Ang colic o kabag ay isang kondisyon na nararanasan ng isa sa kada limang bagong silang na sanggol. Ang pangunahing palatandaan kung may kabag ang sanggol ay kapag malaki at matigas ang kaniyang tiyan. Maari ring namumula ang kaniyang mukha habang siya ay umiiyak ng pataas at palakas. Ayon sa American Academy of Pediatrics, maaring may colic ang sanggol kung siya ay umiiyak ng higit tatlong oras sa isang araw. Higit sa tatlong araw sa isang linggo at higit sa tatlong linggo na. Ang iba pang sintomas ng colic sa sanggol ay ang pag-iyak sa parehong oras sa araw-araw na madalas tuwing gabi. Malamig na kamay at paa. At mga kamaong matigas na nakasara. Makalipas ang 3-4 buwan ay kusa namang maalis ang colic ng sanggol. Sa loob ng mga oras na ito ay may maari ka namang gawin upang maibsan ang iritasyon na dulot ng colic sa kaniya. Tulad ng pag-rorock o paghehele sa kaniya. Bigyan siya ng pacifier. O kaya naman ay magtanong sa iyong doktor ng ibang herbal remedies na makakatulong para maging maayos ang kaniyang pakiramdam. Makakatulong rin na maiwasan niya ang colic kung siya ay padidighayin mo matapos ang kada pagpapasuso o pagdede niya.

Super Mum

Baka gutom gusto lang dumede

Baka po may kabag momsh.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles