Same situation, habang binabasa ko post mo sis naiiyak ako kasi feel ko. Sarap magmura kagigil!! Nagsasama nga kami ng daddy ng baby ko, pero grabeng konsumisyon ang binibigay sakin ng pamilya nya. Gusto ko ng bumukod kami, naghanap pa ako ng bahay na mura lang ang renta para sumakto sa sasahurin nya pero ang animal mama's boy ata!! Samantalang mabait lang naman mama nya pag may pera at may sakit, pag ang lakas lakas dami sinasabi. Nagttrabaho nga sya pero kulang na kulang pa rin, mas napaglalaanan nyang bigyan mama nya at kapatid nya kesa sakin. Tanda ko pa ung backpay nya may nabigay sya sa mama at kapatid nya samantalang sakin sukli ng backpay lang napunta to be specific 56 pesos kung d ko pa kinuha d pa nga ata bigay sakin. Pakiramdam ko display lang ako sa buhay nya, basta binuntis lang ayun tapos na. Sana sa 5 years naming mag bf/gf nakita ko tong sitwasyon ko na to bago ako pumayag magpabuntis sa knya. Takteng yan NASA HULI TALAGA PAGSISISI.
Magbasa pa