Usapang pag bubuntis

Bakit po di ko parin maramdaman ang sipa o ang pag galaw ni baby mag 5 months na po tiyan ko sa aug 4

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganito din po na feel ko, kasi kaibigan ko 4 months pa lang malikot na daw kanya. Kaya nababahala ako. Although may narramdaman naman po ako na pitik pitik nung 20-22 weeks ko pero gustong gusto ko magpa ultrasound na agad kasi worried na po ako pero pagka 23 weeks ko madalas ko na sya maramdaman tapos lagi ko pini'play s YouTube ng mga video yung para mag kick sya effect naman po momsh. Try mo po, or ultz ka na lang din po para sure. 🫶🏻🫶🏻🫶🏻

Magbasa pa

depende ata yn sa baby mie if active cya or ndi ..sakin una Kong naramdaman si baby nung 16weeks aqo yng parang pitik lng ..Pati ngaun pitik pitik lng nararamdaman ko minsan d ko dn ramdam si baby my 5months na din Tyan ko ngaung August and second baby ko na to

6mo ago

ganyan dn aqo mie ngwoworry dn minsan ...next check up ko ngaung August nya ask ko dn sa ob ko

pitik pitik lang po yan mhie unang naramdaman ko paggalaw nya is mag 5months na tyan ko pero hindi totally sipa na, pitik lang po yan sa puson kung 1st time pero kung pang second or third mo nayan may possible na 4 months palang e maramdaman na yung sipa o galaw nya

Pacheck up po agad. Ganyan po nangyare sa baby ko, 6months bigla tumigil ang movement at sipa. Nawalan na pala ng heartbeat :( nasa heaven na sya

baka anterior placenta po kayo,ganyan po Ako nun sa panganay ko naramdaman ko lng sya nong 7to9 months.pero mas maganda po mgpacheck up kayo.

maybe nakaharang yung placenta mo at dun napupunta yung force ng sipa nya kaya hindi mupa ramdam na gumagalaw sya

nakapagpa ultrasound na po ba kayo para malaman kalagayan ni baby? sa akin po mas naramdaman ko si baby at 21 weeks

sa panganay ko 6mons na ng maramdaman ko. Yung bunso ko sobrang likot.. depende din siguro sa bata..

yung sakin mi 7 to 8months ko na naramdaman sobrang likot😹