FYI. Dinala sa aking clinic kamakailan lamang ang dalawang buwang gulang na sanggol dahil sa madalas na pag-ubo, madalas na pagsusuka lalo na pagkatapos dumede, hirap sa paghinga at pagiging iritable. Sa aking eksaminasyon, tumambad sa akin ang matinding pagkakabigkis sa bata (makikita sa litrato sa ibaba ang marka ng bigkis sa sanggol) at may narinig na rin akong senyales ng pulmonya. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit IPINAGBABAWAL NA ANG PAGGAMIT NG BIGKIS. Paano makakahinga nang maayos ang isang sanggol kung napakahigpit ng pagkakabigkis sa kanila at hindi na makakapag-expand ang baga? Paano ninyo aasahang bababa ang gatas sa bituka kung may matinding harang na nilagay sa kanyang tiyan? Malamang magsusuka talaga sila, mapupunta ang ilang patak ng gatas sa baga at magiging dahilan ng pulmonya. IWASAN NA PO NATIN AT HUWAG NANG IPAGPILITAN ANG MGA NAKAUGALIAN NGUNIT NAPATUNAYANG NAKASASAMA SA MGA SANGGOL. #BawalNaAngBigkis #DocHugotCares