Bigla bigla nalang ako naiyak
baket po ganun bigla bigla nalang ako naiiyak ng walang dahilan 1week palang po ako nanganganak pero wala pa ako pahinga dami ko po ginagawa normal lang po ba ito?

Yes mommy normal lang po and halos lahat ng mommy (lalo na pag first time) pinagdadaanan din po yan. Akala kasi ng iba porket naka maternity leave e nakabakasyon at wala tayong ginagawa na mga mommy. Di nila alam na ang dami na natin ginagawa at adjustment sa buhay natin kasabay ng katawan natin na nagrerecover pa lang sa panganganak. Okay lang po yan mommy iiyak mo lang, ganyan din po ako nung una di ko na maexplain ang pagod na nararamdaman ko kaya umiiyak na lang ako. Pero pag tinitignan ko yung baby ko nagiging ok na ulit ako. Alagaan mo din ang sarili mo mommy. Pag pagod na, magpahinga ka. Kaya mo yan mommy! God bless you.
Magbasa pa