Nalulungkot ako.

Bago ko malaman na buntis ako, marami na ko na plano na gusto ko magwork pero at the same time gusto ko na rin magkababy #2 . Di ko naman akalain na agad agad ibibigay ni lord si Baby #2 kahit si Hubs sobrang nagulat kasi lahat ng contact namin sa labas o naka condom sya. Pero eto na, buntis na ko at sobrang bilis lang bumaliktad na agad ang sitwasyon ko. Lagi ako naduduwal at nagsusuka.nahihilo din minsan. Sumasakit pa ang likod, minsan kumikirot ang puson. Nakita na may bleeding ako. Wala akong ganang kumain, at kung pilitin ko man , naisusuka ko rin. Kapag di naman ako kumain nasusuka, nahihilo at nanginginig ako sa gutom. Sabi ni Ob. Normal lang daw ung nararamdaman ko pwede daw na di ako maselan sa unang pagbubuntis ko tapos sa pangalawa sobrang selan. Inadvise nya na magrest daw ako due to bleeding tapos reseta sa gamot. At eto na. Nakakaramdam na ko ng lungkot kasi di ko magawang lumabas. Di ko magawang kainin ung mga gusto kong kainin. Naiinis na ko sa sitwasyon ko, lalo na pag sumusuka ako. Napapasabi ako na, ayaw ko na. Tinatanong ko ang sarili ko kung kaya ko ba? Parang di ako emotional prepared. Kasi ang aga binigay ni lord. Pero mahal ko ang bata na nasa sinapupunan ko. Lagi ko dinadasal na sana normal sya at healthy. Kinakausap ko na kumapit lang sya. Pero sa ako,sa sarili ko ako nagdududa. Pinagdadasal ko na lang, na sana di ako magkapostpartum depression. :(

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pray ka lang po. ☺️