Ano po kayang magandang inumin pag may PCOS?
Badly want na po kasi namin ng partner ko na mag ka pamilya at ilang beses na kami nabigo nakakasakit kasi ng damdamin yung umaasa💔
ako po may pcos noon. hindi po ako uminom ng kahit na anong gamot. di naman po kasi nagaling ang pcos, pcos symptoms po can be manage but it is not curable. kaya ang ginawa ko po nanampalataya ng buo sa Pinakamamahal na Panginoong Jesus. na kung kaya niya po ako bigyan ng buhay kaya niya rin po maglagay ng buhay sa sinapupunan ko. new year na new year ang lungkot lungkot ko kasi hindi pa kami nagkakababy. January 25, 2022 pinaisip sa akin ni Lord na buntis ako. ang sagot ko pa sa kaniya maniniwala lang akong buntis pag di ako dinatnan. that same day nagsimula yung pagsusuka ko. sabi ko nun baka tumaas na naman acid ko kaya ako nagsusuka. January 27,2022 day na dapat datnan ako pero wala. Tapos pinaisip niya ulit sa akin na buntis ako. sabi ko wait ko next menstruation ko sa sunod na buwan baka delayed lang ako. normal naman na kasi para sa akin ang delayed, di nawala yung pagsusuka at hilo ko. kaya inaagad na ako ng mga pinsan at bff ko na magpt sabi ko feb 14 na lang para surprise. kinakabahan ako kasi baka isang guhit na naman pero may nagsasabi sa isip kong buntis ako. feb 14 di ako nakabili ng pt kasi umuwi kami sa beloved in-laws ko po. feb 16 ng madaling araw nagpt ako sa cr. pagpatak pa lang ng ihi 2 guhit agad sobrang linaw. na shock ako hahaha mixed emotions naramdaman ko sa cr. grabeng thank you ko kay Dearest Papa God, Dearest Jesus. na kahit na andun yung alinlangan ko tunay na buntis na ako. March 4, 2022 nagpatransv ako. yung pcos ko wala na, as in wala na kahit isang cyst walang nakita sa matres ko. normal na both ovaries ko. Pinagaling ako ng Dios na Buhay na aking Pinaglilingkuran, Pinagaling ako ng Pinakamamahal na Panginoong Jesus. Sa 8 years naming pagsasama ng aking bel. husband nagkababy na kami. tunay na naghihimala pa rin siya hanggang ngayon. tunay na may Dios pa ring tumutugon ng panalangin at nagpapagaling ng walang medisina o syensya. Tiwala ka lang po Nothing is imposibble to him. Lahat ng pagpupuri at pagdadakila ay tanging sa kaniya lamang po. 😊
Magbasa paMii, I was diagnosed po last year Nov na may pcos ako, mula last year June dun naging irreg ako. Di ako niresetahan ng OB ng pills, mag exercise daw ako at healthy foods dapat sinunod ko ito as much as possible paan ako 30 mins to 1 hr exercise, ang pinaka iniwasan ko softdrinks, junk foods at coffee. Umiinom ako ng barley at moringga, ito yung mga una ko ininom tapos yung vita plus na melon, at huli yung passionfruit juice na mixed berries. From Dec to Feb meron ako mens, come March ito this year wala, nung May nag decide ako patingin sa ibang OB, pero nag PT muna ako, ayun gulat at tuwa kami ni hubby nag positive 2 PT. Going to 8 weeks na si baby namin, thank you God! I wish and pray you mii na magkababy na rin kayo 👶🙏😍 Paconsult ka po sa OB, yung mga ininom ko di talaga yun gamot pero makakatulong cleansing ng katawan at healthy drinks, samahan mo din ng pray, tiwala lang mii 🙏🙏🙏👶🙂
Magbasa paMag-pray ln po kau always, ako po since 2017 ngka-PCOS po ako. ngaun po 10 weeks and 2days na ang baby ko sa tummy at healthy na healthy siya sbe ng OB ko, sbe nga ng OB ko khit dw my PCOS, may chance pring mgka-baby. d ko din ini-expect na magkakababy kme kc sbe sken ng doctor dpat bago mag 25y/o mgka-baby na kme, buti nlng ngayong 26 y/o na ko tpos overweight pa dhil sa weight gain sa PCOS, ngtry ako magpapayat. kso d ko ngwa hahaha... dnaan ko nlng sa dasal. unexpected dn tong blessing smen ngaun. kaya wag po kau mwawalan ng pag-asa
Magbasa pai have PCOS dn po. sa pag kakaalam ko 14yrs old plng po meron nako. sako im not aware kung ano un. 30yrs old nako. 27yrs old ako dun ko lang sineryoso ingatan sarili ko. ngbawas ng timbang from 73-56kg. ngexercise, fasting, LC diet. uminom din ng folic acid, vitamin c, at myra e. nov24 2021 dumating fiance ko galing ibang bnsa. dec 2021 buntis nako. wla png 2 weeks. payo ko lang po. dapat tlga desidido tayo sa goal nten. at ciempre dasal lang ng dasal na mabiyayaan na din kayo. praying for you mi
Magbasa pa2017 nag ectopic pregnancy ako 2018 diagnosed pcos dn ako halos gumuho mundo ko as in sobrang liit ng chance ko ng mbuntis nag pa check up ako s ob dami reseta gamot which is sobrang gastos at hndi nmn afford ni hubby matustusan ung gamutan sa pcos ginawa ko nag low carb diet ako at exercise after 6 years finally im 9 weeks pregnant although andun p rn pcos ko kasi nkta sa ultrasound ko pero happy kasi ok naman si baby. pray lang sis huwag mawalan ng pagasa godbless to you 😊
Magbasa pahindi po OB ang sagot sa problem nyo kundi infertility doctor po.. if matagal na kayong sumusubok (years) at wala pa din better search for an infertility doctor... 2017-2020 alagang OB ako PCOS ako both ovaries.. january 2022 lipat ako infertility..march 2022 buntis na ako... i am turning 33 this year. Although mejo risky si pregnancy ko today.
Magbasa pahello po 30 weeks pregy po ako positive pcos survivor try nyo po mag paragis capsule effective po promise di nya po kayo bibiguin 2020 po ng magka pcos ako at lumalaki sya, sabi po ng doctor may tyansang hindi po ako mabuntis pero dipo ako sumuko nag try po ako mag paragis capsule last year October, nov po nag pt ako positive na😊
Magbasa paMomsh I have PCOS po wala rin pong gamot na binigay sakin pero nag follow po ako kay Jaja bustos sa tiktok and facebook may mga libreng tips po don sa mga walang pambili ng gamot niya. Diet at talbos talbos lang po ang kinain ko. Currently 9 mos pregnant manganganak na po sa June 9 ☺️
Hi. may Pcos din po ako. 4 years din kami di nagkaanak ni Hubby, then may ininom po akong mga Vitamins pati si Mister nung March 2021, nabuntis ako april 2021. then, nanganak na po akong December. and now 5 months na po si baby. Pwede ko isend sayo nireseta samin.
Paalaga ka sa OB mamsh. Ako din meron PCOS sobrang lala. Lahat ng pede inumin natake ko na. Ang mamahal pa. Ung iba binibili ko pa sa ibang bansa. Pero nabuntis lang ako nung nagpaalaga ako sa OB.