ilang months po gumapang c baby nyo?

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Si LO ko po mii, at 5 months ngaun hindi pa sya totally nakakagapang. Naiaangat lang nya yung katawan nya, suporta ang tuhod at kamay, yung mga tuhod nya naihahakbang nya forward pero ung mga kamay nya hindi pa nya alam kung pano. Kaya para umabante, kunwari pag may gusto sya lapitan, isinusubsob nya forward ung mukha nya. Ayun, umaabante naman sya, mga ilang subsob nga lang... sa kutson naman.

Magbasa pa
2y ago

pag hawak ko at nakatayo sya, paatras naman hakbang nya. ngayon lang grabe mag ngasab ng kamay ko. ayaw nya sa teethers nya. 😄

6 months po sakin. 5 months pa lang sya nalilibot nya na yung buong kama ng pagulong gulong ngayon na kaka 7 months pa lang nya di na maawat sa kung ano ano gusto makuha mabilis na rin kasi sya gumapang.

Pa 7 months na si LO, di pa sya totally gumagapang e hehe. Pero kaya na nya libutin yung kama sa pag angat angat ng kamay at braso nya at pagulong dapa nya hehe

Ung baby ko nag 6 months nung June 3, nakakadapa naman na tas puro gulong pa lang. Nag ttry lang sya iangat ung paa nya, di nya pa totally kaya gumapang.

baby ko po hindi pa gumagapang., nitong 5months lang siya natutong dumapa mag-isa. mag 6mos. palang si lo sa June 13.

LO ko po di parin po marunong gunapang., 5mos. natuto dumapa., mabigat po kasi katawan dahil chubby siya

6 months na din po c lo ko nakakadapa palang saka ikot ikot hehe