My PCOS & Sugar Baby 💕

Baby's Out!! Welcome Alekza Zoe ❤ My PCOS & Sugar Baby 😊 Diagnosed with Pcos with thin endometrium 2019 Gestational Diabetes @ 28 weeks (diet + insulin) NSD EDD: Feb 9, 2021 DD: Jan 25, 2021 1 am - kakapikit ko lang bigla akong nakaramdam ng cramps ( tolerable at minaliit ko sya hindi naman masakit sabi ko ) but minonitor ko na. Tinext ko na si Ob - Ob called me to confirm na pumunta na ng clinic. - ginising ko na partner ko at sinabi baka manganak na ko. tumakbo na sya para kumuha ng taxi 😂 1:30 am - Pagdating sa clinic IE na 4cm palang pero inadmit na nila ako since tuloy tuloy na contractions ( still tolerable kaya nakakatawa pa ) Around 2-3 am - Medyo sumasakit na yung cramps ( squat + lakad solve na ) - IE : 6cm ( Yay may progress na ) Around 3-5 am - Cramps starting to be painful and not tolerable ( Hugs from my partner kaya medyo nasosooth pa ) - More cramps , not tolerable , super painful ( Kagat and kurot to my partner sorry 😂 ) - IE : 6cm ( stucked 😥 ) 5 am - suero na order from OB. Pampahilab. Di na nawala yung cramps + super painful na buti napigilan ko ung pagkagat kay partner ( muntik na maging zombie 😆 ) - Sabi ko magpapapainless na ako pero wala pala 😂 - MORE CRAMPS STILL PAINFUL - Super inaantok na ako at gusto ko na matulog kaya humiga na ko at umidlip. - IE : 8-9 cm 5:30 am - Dito na yung pinaka unforgettable since yung cramps ay may kasama ng contractions na kusang pumupush sa baby sigaw na ako ng sigaw "Tawagin mo na siya nagpupush na ako!!!!" - Ito na yung moment na pumutok na yung panubigan ko. Nagpanic na si partner haha dali dali na tinawag si midwife. - Di ko na kinaya sabi ko " AYOKO NA!! PAGOD NA KO!! " Habang pilit nila akong tinatayo kasi gusto ko nalang matulog 😆 - Lakad papuntang delivery room akyat sa higaan ( It's now or never kaya pinilit ko kahit groggy na ako ) - 3 sets ng push per contractions. ( Crowning na si baby ) - Last push is ginalingan ko na kasi sabi ni partner at nung midwife is malapit na ( Encouraging kahit masakit na talaga  ) - Naalala ko yung nabasa ko sa fb na pag magpupush parang nagta tug-of-war kaya todo na talaga. 5:59 am - Lumabas na si baby. Nawala lahat ng pagod at sakit after ( weird pero sobrang saya sa feeling. Di man ako napaiyak pero ang partner ko sobrang iyak ) - Binigay na sya sakin and tinry magpabreastfeed si baby gutom na gutom na - Di na ko tumigil kakasabing ang ganda nya 😊 And that's the start of our journey, sobrang sarap sa feeling and super worth it yung sakit. Sobrang thankful ako sa partner ko , sa midwife, Ob and especially sa katawan at isip ko dahil sobrang na-handle ko yung pain & shock. On my recovery na since may tear ako at may tahi. Which is never ko naexpect after childbirth na andami palang mangyayari din like; - Slight painful cramps sabay lalabas yung blood ( feels like super heavy period level 100 but I give credit to my PCOS era since nasanay na ako sa sakit and heaviness ) - The "Stitch" which is super uncomfortable lalo na maiisip mo na mapupunit habang naglalakad ka. - Fear of binat or post-partum depression ( Ito thankful na di ko pa nararanasan at sana hindi maranasan ng lahat ng mommies ) - Body Aches, sobrang hirap since pagod yung katawan natin during labor and birth + pag aalaga pa sa baby + puyat :( - Frustrations, Still no breastmilk, nakakapressure pero trying my best. - Iba ang katawan nating mga nanay. Saludo ako sa lahat 💖 Gusto ko lang ishare experience ko mga mommies 😊💕 I hope na sa mga nagbabaka sakali sa mga katulad kong may PCOS at nagkaroon ng gestational diabetes. Kaya nyo yan 🤗😊💖 #firstbaby #1stimemom

62 Replies

Same story mamsh! Pcos din ako. 2nd baby ko na to. Ung akin naman 3-4cm no pain talaga pero kapa na ulo, so pina admit na ko ( Namalengke pa ko nun 😂 ) Tapos nung andun na ko sa lying in, nag squat lang ako after 15mins biglang nag active labor hahaha! Nung una keri pa eh. Pero nung sumasakit na, jusko parang ayaw ko bumitaw sa kamay ng asawa ko dinudurog ko na 😂 Sa panganay ako naka painless. Dito wala 😂 Tapos habang nasa room ako, bglang bumulwak ung panubigan sabay lalabas na si baby. Pinatayo at sinakay pa ko sa wheelchair 😂 Pag higa sa DR, isang ire lang si baby, nataranta pa sila kase di pa sila nakakapag gloves umiire na ko hahaha 😂 btw, Congrats maamsh ♥️

thank you mamsh 😊❤ ang galing nyo ✨

naiyak ako sa tuwa habang binabasa ko to. PCOS warrior kasi ako for 4 years at may GD ako ngayon. Naiimagine ko kaming 2 ng hubby ko pag ako na magdeliver baka maging comedy (may pagkakomedyante din kasi kaming 2) dahil baka halos maging zombie din ako sa pangangagat at pananakit sigurado sakanya ng di naman sinasadya. thanks mommy medyo naibsan ung worries ko hehe and congratulations po!♥️

thank youuu kaya mo yan 😊💕✨ happy thoughts lang 😆

congrats! nakakatuwa yung pag kwento mo sa nangyari sayo kasi hindi super dramatic na nakaka worry din sa ibang buntis. yung iba kasi pag nag kwento, kasama emotion sa sobrang skit. tipong yung ibang mkakabasa na buntis eh matatakot na din. ung pag ka kakwento niyo ay light lang at feel ko na naging masaya and wonderful yung pregnancy journey mo.. 😊

opo tatagan lang talaga loob at tamang timing lang momshie 😊💕 nung una takot din ako sa mga kwento nila akala ko di ko kakayanin

sana ol kasama si hubby sa loob ng DR partner ko nasa labas lang kasi wala tuloy ako makunan ng lakas Painless din ako sa sobrang antok ko that time ginupitan nalang ako kaya di ko alam na lumabas na si baby na kung tutuusin wala sana akong tahi kung ginalingan ko pag iri HEHE BTW congrats mumshy ❤️

naku sis napagdaanan ko din yan. ilang ospital din ang tumanggi samin bago ko manganak. okay nalang din naman na tumanggi sila kasi kung hindi baka naCS ako ng di oras kala kasi ng lying in cord coil baby ko pero hindi naman.

Congrats Sis! 🙏💛 Pcos fighter din po ako more than 10 years na. Luckily binigyan din po ng greatest blessing from above. 😊 Thin Endometrium lining din po. Due ko na po this April. Sana makaraos din po ng safe and normal. 🙏😊

sana mamsh. stay safe 😊✨

congrats syo sis,... sis pareho tyo PCOS fighter din aq for 12 yrs. now preggy aq s 2nd baby q panganay q 13 yrs. old n at my gestational diabetes din hoping n maging ok din ang lhat april 25 due q sna mainormal q din kgya m😊...

thank u sis 😘 God Bless

congrats mommy! may pcos din ako and currently on my 36 weeks pero wala ako diabetes, hoping din makapag normal. thank you sa pag share ng experience mo!😊

thank you din mamsh. Sana manormal mo yan ✨😊

TapFluencer

me too mommy .may pcos and diagnosed with gestational diabetes @ 27 weeks 🥺 sana mainormal delivery ko rin si baby ♥️♥️ currently on my 29th week.

as long as hindi naman lumaki ng husto si baby sa tyan walang komplikasyon 😊 swerte ko nalang din siguro kasi medyo maaga si baby lumabas hindi na din sya lumaki ✨ kaya nyo po yan 💕

grabe po habang binabasa ko yung sa labor scene natatakot na ko at need ko na paghandaan hehe im preggy 2 months for my first child :)

wag kang mag alala malilimutan mo ung sakit once na lumabas si baby 😉✨

💛💛💛💛💛 palakas po kayo. Salamat sa testimony. natatakot na din ako manganak pero kelangan kong pagdaanan 😭

kayang kaya mo yan 😊💕✨

Trending na Tanong